Baron Geisler accused of physical abuse by former dating partner

by Arniel C. Serato
May 16, 2019
Karen Anne Tolosa (right) posts on Facebook photos of the bruises she allegedly got from actor Baron Geisler more than a year ago.
PHOTO/S: Courtesy: FDCP / Karen Anne Tolosa on Facebook

Isang female netizen na nakarelasyon umano ni Baron Geisler ang nag-akusa sa aktor ng physical abuse o pananakit.

Isiniwalat ng female netizen ang kanyang naging karanasan pagkatapos mabasa ang Twitter post ng aktor noong May 4.

Sa kanyang Twitter post, sinagot ni Baron ang komento ng isang netizen kung bakit binibigyan pa rin ng proyekto ng ABS-CBN ang aktor kahit nananakit diumano ito.

Si Baron ay kasalukuyang napapanood sa top-rating primetime series ni Coco Martin sa ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

Sagot ni Baron sa komento ng netizen: "Excuse me. Never ako nanakit. Puro alleged harassment that caused me millions."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "alleged harassment" ni Baron ay ang naging reklamo sa kanya noon ng mga aktres na sina Yasmien Kurdi at Cherry Pie Picache, at ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez.

NETIZEN ACCUSES BARON OF PHYSICAL ABUSE

Noong May 5, isang netizen na nagngangalang Karen Tee (@itsmekarentee) ang nag-repost ng tweet ni Baron.

Kalakip nito ang mensahe ni Karen sa aktor: “Are you sure? Or are you delusional?

“Or do you need me to remind you of reality?

“Stop lying to people. It’s sick.”

Continue reading below ↓

Hindi sumagot dito si Baron.

KAREN ANNE TOLOSA: “YOU ALMOST KILLED ME.”

Noon ding May 5, isang Karen Anne Tolosa ang naglahad sa Facebook ng pananakit umano sa kanya ni Baron mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Kalakip nito ang ilang larawan ni Karen kung saan makikita ang mga pasa sa kanyang mukha at iba pang parte ng katawan, na kagagawan diumano ng aktor.

Sabi pa ni Karen: "1 YEAR and 3 MONTHS AGO, YOU ALMOST KILLED ME.

"I let you walk, di kita pinakulong, di kita kinasuhan."

Binigyan daw niya ng pagkakataon ang aktor dahil magbabago na raw ito.

Pero malinaw raw na walang natutunan ang aktor sa kabila ng lahat.

Ito ang buong Facebook post ni Karen:

“There’s a time to stay silent, there’s a time to speak up.

"Stop lying to people, stop lying to yourself.

"You can’t bury what happened in the past with your LIES.

"1 YEAR and 3 MONTHS AGO, YOU ALMOST KILLED ME.

"I let you walk, di kita pinakulong, di kita kinasuhan.

Continue reading below ↓

"I gave you a chance and the benefit of the doubt because you were 'changing your life.'

"Clearly, you didnt learn anything at all.

"You are NOT the victim here Baron Geisler.

"It’s time you own up to the truth and face it."

Nilagyan niya pa ito ng mga sumusunod na hashtags: #BaronGeisler #PhysicalAbuse #VAWC#DomesticViolence #RA9262 #Victimizing#MentalAwareness #FightForTruth #WomensRights"

Continue reading below ↓

THE FEMALE NETIZEN SPEAKS UP

Sa pamamagitan ng ilang sources, nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang contact number ni Karen Anne Tolosa upang hingan ng pahayag tungkol sa kanyang Facebook post.

Nakausap namin siya sa pamamagitan ng text messaging.

Kinumpirma ni Karen na siya nga ang babaeng nag-post sa Facebook ng pananakit umano sa kanya ni Baron.

Siya rin daw ang Karen Tee na nag-post sa Twitter.

Ayon kay Karen, nag-date sila ni Baron noong 2012.

Nang matapos ang kanilang relasyon ay naging magkaibigan silang muli noong 2018.

"I was helping him with his sobriety," sabi pa ni Karen.

Tinanong ng PEP.ph kung ang nag-udyok ba sa kanya upang ungkatin ang pang-aabuso umano ni Baron sa kanya noon ay ang tweet ng aktor na hindi ito nananakit.

Sagot ni Karen: “Yes, that's the only reason and it's an enough reason to speak up.

“He can't cover up the truth with lies.

Continue reading below ↓

“Masyado niya pinapaniwala yung mga tao na nagbago na siya.

“Kung nagbago ka talaga, wag ka magsinungaling diba?

“I'm all for changes and chances but I dont believe he deserves it, or at the very least, has earned it.

"Let this serve as a warning and an eye-opener to everyone."

Ilang beses nang nasangkot sa kontrobersiya si Baron dulot ng kanyang sobrang pag-inom ng alak.

Mahigit dalawang taong hindi nabigyan ng projects si Baron matapos siyang i-ban ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) dahil sa insidenteng nangyari sa kanila ng kapwa-aktor na si Ping Medina sa shooting ng isang indie film.

Pagkatapos nito ay isinailalim ni Baron ang sarili sa rehabilitation.

Ngayong 2019 ay nakabalik siya sa telebisyon sa pamamagitan ng Ang Probinsyano.

Nakatakda na ring ikasal ang aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend.

BARON GEISLER'S REPLY

Kinontak din ng PEP.ph si Baron upang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga akusasyon ni Karen.

Continue reading below ↓

Ngunit sa halip na sumagot, ibinigay niya sa amin ang link ng “5 Truths To Remember When Everything Seems To Be Going Wrong.”

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa pahayag nina Karen Anne Tolosa at Baron Geisler kaugnay ng isyung ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Anne Tolosa (right) posts on Facebook photos of the bruises she allegedly got from actor Baron Geisler more than a year ago.
PHOTO/S: Courtesy: FDCP / Karen Anne Tolosa on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results