Baron Geisler ex-dating partner on physical-abuse allegation: "Why just now? E, kasi nga, sinungaling."

by Arniel C. Serato
May 16, 2019
Karen Anne Tolosa on speaking up against actor Baron Geisler: "What he’s doing is not right kahit sabihin mo pang marami siyang projects ngayon, truth is truth."
PHOTO/S: Courtesy: Baron Geisler / Karen Anne Tolosa Facebook

Sinagot ni Karen Anne Tolosa ang katanungan ng maraming netizens kung bakit ngayon lamang siya nagsalita tungkol sa pananakit na ginawa sa kanya ng aktor na si Baron Geisler.

Sa paglalahad ni Karen, nangyari ang pananakit sa kanya ni Baron "1 YEAR AND 3 MONTHS AGO."

Nakatanggap ng pambabatikos si Karen matapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagsisiwalat niya ngayong Huwebes, May 16.

Lalo pa't nagbago na raw si Baron matapos isailalim ang sarili sa rehabilitation dahil sa matinding problema nito sa alkohol.

Kababalik lang din ng aktor sa showbiz sa pamamagitan ng top-rating teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN, ang FPJ's Ang Probinsyano.

Higit sa lahat, malapit nang ikasal si Baron sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Kaya ang tanong ng karamihan: "Why now?"

Sa madaling-salita, kinukuwestiyon nila ang timing ni Karen sa pagsisiwalat ng ginawa sa kanya ni Baron.

KAREN ANNE TOLOSA ANSWERS THIS QUESTION: "WHY NOW?"

Ngayong Huwebes ng hapon, muling nakipag-ugnayan ang PEP.ph kay Karen, sa pamamagitan ng text messaging, upang hingin ang kanyang reaksiyon sa pambabatikos na natatanggap niya mula sa netizens.

Continue reading below ↓

Tugon niya, “So why just now? E, kasi nga, sinungaling.

“I’m at a point in my recovery na I’m no longer afraid to speak my truth.

“What he’s doing is not right kahit sabihin mo pang marami siyang projects ngayon, truth is truth."

Diin pa ni Karen, “I have nothing to gain sa kanya.

“He’s a toxic person, so blessing pa nga that he’s out of my life.

“I used to believe that no matter how drunk he could get, never niya kayang manakit ng babae at alam niya yun.

“I believed in him, in his potential to grow as a person and his craft kaya I was really there to help him rebuild what he has lost.

“But that’s not the point anymore.

"The point is.......STOP LYING."

Wala rin daw pakialam si Karen sa mga nangyayari ngayon sa buhay ni Baron, partikular na ang nalalapit na pagpapakasal nito.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “He can do whatever he wants, it’s none of my business.

"Marry her or not, I really couldn’t care less."

WHAT'S THEIR RELATIONSHIP?

Nilinaw rin ni Karen ang naging ugnayan nila noon ni Baron.

“Complicated” ang paglalarwan niya sa naging relasyon nila ng aktor.

Lahad ni Karen, “We dated back in 2012 for a short while and got together again in 2017, deciding to just stay friends.

“I was helping him pick up his life and with his sobriety so we spent a lot of time together to the point na, yes, you could say we were sort of living together.

“At the same time, we were free to see other people naman.

“It’s complicated, I know, but it’s the truth.

"So, no, I was never his 'girlfriend' at di ko pinangarap yun."

Matatandaang pinalagan ni Karen ang tweet ni Baron noong May 4 kung saan sinabi nitong: “Excuse me. Never ako nanakit.

Continue reading below ↓

"Puro alleged harassment that caused me millions."

Ito ay sagot ng aktor sa isang netizen na nagsabing bakit binibigyan pa rin ng proyekto ng ABS-CBN ang aktor kahit nananakit diumano ito.

Sabi ni Karen sa kanyang Twitter (@itsmekarentee) post noong May 4: “Are you sure? Or are you delusional?

“Or do you need me to remind you of reality?

“Stop lying to people. It’s sick.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Baron Geisler kaugnay ng mga pahayag ni Karen Anne Tolosa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Anne Tolosa on speaking up against actor Baron Geisler: "What he’s doing is not right kahit sabihin mo pang marami siyang projects ngayon, truth is truth."
PHOTO/S: Courtesy: Baron Geisler / Karen Anne Tolosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results