Lani Mercado defends husband Bong Revilla from 'magnanakaw' accusation

by Gorgy Rula
May 21, 2019
Lani Mercado: "Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Senator Bong at sinasabing bobo sila."
PHOTO/S: Instagram

“Stop the hate. Spread the love.”

Ito ang mensaheng gustong iparating ni Bacoor Mayor Lani Mercado kaugnay sa patuloy na pamba-bash at panlalait sa asawa niyang si Bong Revilla Jr.

Hanggang ngayon ay nakatutok pa rin daw sila sa bilangan ng senatorial race.

Kahit hindi nawawala sa Magic 12 si Bong, hindi pa rin daw masasabi kung ano ang susunod na mangyayari.

Pahayag ni Lani, “Basta prayers lang.

“Sabi ko nga, kailangan talaga magdasal, kailangan mag-monitor.

"Hindi mo masasabi na ito na talaga hangga’t hindi siya napuproklama.

“So we hope ang pray na sana matapos na, matuloy na talaga yung tentative na proclamation.

“Meron na nga nagsasabing mag-prepare na, yun ang ipinagdarasal namin.

“Basta mag-prepare for the best and the worst…huwag naman sanang worst.

“Sabi nga ng mga kaibigan namin, basta claim it. Prayers na lang talaga.”

Nakausap ng writer na ito si Lani, para sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH noong Biyernes, May 17.

Continue reading below ↓

LANI MERCADO ANSWERS "MAGNANAKAW" ACCUSATION VS BONG REVILLA

Marami pa rin silang natatanggap na panlalait, nababasa sa social media na pang-aalipusta kay Bong, pero ipinagkibit-balikat na lang daw ito ng actor-politician.

Si Lani raw ang hindi na nakatiis at sinasagot ang ibang hindi magagandang komento, lalo na ang akusasyong “magnanakaw” laban sa kanyang mister.

Ang akusasyong ito kay Bong ay nag-ugat sa pagkakadawit niya sa pork-barrel scam.

Saad ng mayor ng Bacoor, “Kasi nakakapagod na rin. Feeling mo na the country was so divided.

“Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Senator Bong at sinasabing bobo sila.

“Parang, it’s so unfair, kasi may mga tao na maliit… yung mga magsasaka na bumoto kay Bong.

“Meron ding nakakaangat, especially yung members ng mga religious sector na sumuporta sa kanya.

“Huwag naman natin sila paratangan ng kung anu-ano.

“Tao lang sila na may paniniwala na may paninindigan.

Continue reading below ↓

“Sana huwag naman ganun.”

Nasasaktan din daw nang husto si Lani sa mga masasakit na sinasabi ng ilang taga-showbiz laban sa kanyang asawa.

“Alam mo, nasasaktan ako,” pakli niya.

“Siyempre, hindi naman lahat ng taga-industriya na, kumbaga, nagsasabi ng masasakit na salita laban sa amin.

“Siguro, these people hindi naman siguro nagkaroon ng direct o kung meron man direct relationship, naging katrabaho ni Senator Bong…

“Hindi ko alam kung meron bang ipinakitang mali si Senator Bong sa kanila.

“Kasi ang alam ko, lahat na nakakasama ni Bong, wala namang masamang komento sa kanya… na kung meron, tao lang naman si Senator Bong.

“But not to the point na tawagin mong magnanakaw o masamang tao.

“I don’t think so, kumbaga, ipapasa-Diyos ko na lang sila,” malungkot na pahayag ni Lani.

Continue reading below ↓

LANI MERCADO: GIVE BONG A CHANCE

Napag-usapan nga raw nilang mag-asawa na malaking challenge kay Bong kapag nakabalik siya sa Senado, dahil kailangan nitong ipakita na mali ang mga ibinibintang sa kanya.

Ani Lani, “Basta lahat na bumoto kay Bong, rest assured na susuklian ‘yan ni Senator Bong Revilla ng tapat na paninilbihan.

“Sana bigyan natin siya ng tsansa.

“Kasi, sabi ko nga sa kanya nung nangyayari yung pinakamalaking trahedya sa buhay namin, sabi ko, ‘Ang hirap ano, Pa, na sa maagang edad binuo mo yung pangalan mo, pinaganda mo, naging sikat kang artista. Tapos, sa kalagitnaan ng buhay mo…’

“Kasi magpi-50 na si Bong nun, ‘...then sisirain lang dahil sa isang maling akusasyon.’”

Kaya haharap daw sa malaking hamon ang kanyang asawa.

“This is his second chance in life, e.

“Ire-rebuild niya ulit ang pangalan niya from the very beginning…

"Ah, hindi naman from the very beginning. Kumbaga, meron siyang gagamutin.

Continue reading below ↓

“Kailangan niyang patunayan sa mga tao na mali ang mga akusasyon sa kanya… na mali sila.

“So, extra effort yun para kay Bong.”

Alam din daw ni Lani na nakatutok ang karamihan kay Bong, na kapag magkamali ay tiyak na matinding pang-aalipusta ang aabutin nito.

“Iyan ang masakit sa tao, abangan kung kailan magkakamali.

“Ang sa akin lang, tao lang si Senator Bong.

“Although, ang experience niya malawak, naging gobernador, naging bise gobernador, naging two-term na senator.

“Hindi naman siguro matatawaran ang kanyang kakayanan na maglingkod.

“Marami naman sigurong natulungan si Senator Bong.

“Huwag lang siguro masyadong dina-down ang isang tao.

“Ang pinanggalingan nito, e, talagang rock bottom.

“Let’s give him a chance,” pakiusap ni Lani.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado: "Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Senator Bong at sinasabing bobo sila."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results