Robin Padilla to Sharon Cuneta: "Patawarin mo na ako."

by Bernie V. Franco
May 22, 2019
Robin Padilla makes a comment on Sharon Cuneta's Instagram post and asks for her forgiveness. The two first teamed up in the 1991 blockbuster movie Maging Sino Ka Man. Their team-up led to a real-life romance but they did not end up together.
PHOTO/S: Noel Orsal

Humingi ng tawad si Robin Padilla sa kanyang dating leading lady at nakarelasyong si Sharon Cuneta.

Nagsimula ito nang mag-post si Sharon sa Instagram nitong weekend ng throwback photo, kung saan kasama niya si Robin, at ang mga yumaong sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez.

Naging leading men ng Megastar sa pelikula ang tatlong aktor.

Si Robin ay nakatambal ni Sharon sa apat na pelikula: Maging Sino Ka Man (1991), Di Na Natuto (1993), Pagdating ng Panahon (2001), at Unexpectedly Yours (2017).

Ang yumaong King of Philippine Movies na si FPJ ay nakapareha naman ni Sharon sa Kahit Konting Pagtingin (1990) at Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin Part 2 (1995).

Si Rudy ay nakatambal ng Megastar sa Kung Kailangan Mo Ako (1993).

Caption ng singer/actress/host sa kanyang IG post:

“Heartbreaking to know that this photo will never happen again.

“Two of my best friends here have already gone to heaven.

“I will never stop missing them.

Continue reading below ↓

“The Three Kings and I.”

Pumanaw si Fernando Poe Jr. noong December 14, 2004 dahil sa cerebral thrombosis at multiple organ failure.

Si Rudy ay pumanaw naman noong June 7, 2008 dahil sa periampullary cancer.

IS SHARON CUNETA MAD AT ROBIN PADILLA?

Sa comments section, isang netizen ang naghabilin kay Sharon na alagaan niya ang pagkakaibigan nila ni Robin.

Continue reading below ↓

Ibinalik ni Sharon sa netizen ang paalala nito.

Sagot ng Megastar: “Parang dapat sa kanya natin ipadala ang message mong ito!”

Sa response thread, sumagot si Robin.

Una, nagpasalamat ang aktor kay Sharon dahil sa kanyang post.

Kasunod nito ay humingi ng tawad si Robin dahil sa malaking pagkukulang daw niya kay Sharon, na tinawag pa niyang "kambal."

Continue reading below ↓

Mensahe ni Robin: "kambal tapos na ang eleksyon patawarin mo na ako sa pagkukulang ko sa iyong napakabigat."

Si Robin, kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay naging abala nitong mga nakalipas na buwan dahil sa kanyang aktibong pangangampanya para sa mga kandidato ng administrasyon.

Hindi malinaw kung ano ang ikinatampo ni Sharon kay Robin.

Continue reading below ↓

Ngunit posibleng konektado ito sa pakikipagpalitan ng mensahe ni Sharon sa isang netizen noong October 2018.

Dito ay inamin ng Megastar na may tampo siya kay Robin dahil hindi ito nakadalo sa 40th anniversary concert niya noong September 2018.

Komento ni Sharon: “Hay nako. Nahurt ako.

"Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ako kilala ang biilis makalimot!

"Di na mauulit 40th ko. Pero sa abs-cbn ball may time sya.

"Okay lang napakasaya ko naman nung concert.

"Pero lam nya naman memory ko parang singlaki ng memory ng elepante. Di makakalimutan.

"Hmmp. What a disappointment."

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN Ball ay ginanap sa Makati Shangri-La noong September 29, 2018, na tumaon sa second night ng two-night concert ni Sharon.

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Robin Padilla
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla makes a comment on Sharon Cuneta's Instagram post and asks for her forgiveness. The two first teamed up in the 1991 blockbuster movie Maging Sino Ka Man. Their team-up led to a real-life romance but they did not end up together.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results