Jonas Gaffud on possibility of Pia Wurtzbach bagging Darna role: "Kung ibibigay, why not?"

by Rommel Gonzales
May 26, 2019
Respected queenmaker Jonas Gaffud (left) on possibility of Pia Wurtbach (right) bagging Darna role: “Kung ibibigay, why not? Ibig sabihin sa kanya yung bato."

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang itinuturing bilang isa sa mga paborito ng netizens para sa Darna movie role mula noong nag-announce ng open audition para dito noong tuluyan nang bitiwan ni Liza Soberano ang coveted role nitong nakaraang Abril dahil sa kanyang finger injury.

Ano ang masasabi ng kanyang manager na si Jonas Gaffud tungkol dito?

Pabirong hirit ni Jonas, “Nasaan ang bato?”

May offer na ba?

“Hmmm... hindi ko alam.

“Hindi ko alam talaga ang sagot ko no?” at tumawa si Jonas.

“Wala kaming ano, we’re not closing our doors, pero…”

Hindi rin daw nag-audition si Pia para sa Darna.

“Kung ibibigay, why not? Ibig sabihin sa kanya yung bato.

“Kaso nabigay kay Senator, nasa Senate na siya,” pagbibirong pagtukoy ni Jonas kay General Ronald “Bato” dela Rosa na isa sa mga may mataas na boto sa pagka-senador sa recent mid-term elections.

May tsika rin na ang Valentina role (na kalaban ni Darna) ang ibibigay kay Pia.

Continue reading below ↓

“Depende sa story pa rin.

“Depende sa story and everything, because we also have our image to protect, and we also have endorsements and all,” paninigurado niya.

WORKSHOP SERIES

“Kasi gusto namin mag-start ng personality development and public speaking,” ang sagot naman ni Jonas sa tanong kung bakit si Megan Young ang napili nila para sa Empire Exclusives, ang kanilang seven-month workshop series mula May hanggang November 2019.

“And bakit si Megan? E siyempre, Miss World siya! First Miss World, why not?”

Si Megan ang napiling workshop mentor at motivational speaker para sa unang bahagi ng series, “Personality Development and Public Speaking,” na ginanap nitong nakaraang Sabado, May 25

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa Empire Studios sa Uptown Mall sa Bonifacio Global City noong May 14.

Pagpapatuloy pa ni Jonas, “Kasi sa Aces and Queens dati ha, when I was in Aces and Queens, ang umpisa ng workshop namin lagi ay Personality Development.

Continue reading below ↓

“So nagtanong naman kami sa lahat ng mga beauty queens namin kung sino ang gustong magturo ng Personality Development.

“Raise your hand agad si Megan.”

LEAVING ACES AND QUEENS

Samantala, tulad ng alam ng lahat at naisulat na dito sa PEP.ph, bumitiw na si Jonas bilang head ng Aces and Queens nitong nakaraang Abril.

Ang Aces and Queens ay isa sa mga kilalang grupo na nagte-train at nagme-mentor ng mga beauty queens for local and international pageants.

Nahirapan ba si Jonas na iwan ang A&Q?

“Hindi. May Empire ako,” bulalas ni Jonas.

INVOLVEMENT WITH MISS UNIVERSE PH

Si Jonas ang pinuno ng Empire.PH at ng Mercator Artist and Model Management, Inc. at na nangangalaga sa career nina Pia Wurtzbach, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Venus Raj, among others, at nina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Marlo Mortel at Benjamin Alves.

Parte na ng Miss Universe Philippines si Jonas, at pinagkuwento namin siya kung ano mismo ang papel niya sa MUP?

Continue reading below ↓

Detalye niyang paliwanag, “Okay. Yung Miss Universe Philippines is a brand lang ha, for Miss Universe.

“Wala kaming kinalaman sa judging, wala kaming kinalaman sa screening and all.

“Parang kunwari, ang may-ari ng franchise sa Binibining Pilipinas, ang gusto ng Miss Universe, yung brand na Miss Universe ia-up namin, iaangat.

“So yun lang, gagawa kami ng events, mag-iisip kami ng way kung paanong magkakaroon ng magandang social media mileage and PR.”

Wala daw siyang anumang impluwensiya sa kahit na sinong magiging kandidata at winners.

Hindi rin daw siya konektado sa Binibining Pilipinas.

Paglinaw niya, “My contract is with IMG.”

Ang Miss Universe Organization and its brand, along with Miss USA and Miss Teen USA, ay pag-aari ng WME/IMG talent agency.

Wala raw siyang ipu-push na kandidata para sa susunod na Binibining Pilipinas.

“Masaya nga ako ngayon, e! Parang wala akong masyadong stress talaga.

“Kaya blooming ako,” bulalas ng beauty queen maker.

Continue reading below ↓

“Masaya ako at tsaka excited ako dito para sa Empire.PH.”

Parte ba ang Empire. PH ng Miss Universe Philippines?

Tugon niya, “Well, IMG’s contract is with Empire. IMG owns Miss Universe.”

At ang Empire.PH ay nasa ilalim ng IMG.

Ani Jonas, “Yes. For the Miss Universe Philippines brand.”

Sa tanong kung ilang taon ang naturang kontrata, ang sagot ni Jonas ay…

“Secret! May confidentiality clause,” natatawang hirit ng kilalang queenmaker.

NO CONFLICT OF INTEREST

Wala naman raw conflict kung sakaling may kandidata na sasali at mananalo na Empire.PH ang nag-train.

Lahad niya, “Wala namang candidate ang Empire. Wala na rin akong camp.

“Well, actually, sabi naman nila, hindi naman ako kailangang umalis ng Aces and Queens or camp kasi nga, wala naman akong kinalaman sa judging, e.

“Gagawa lang ako ng event.”

Pero umalis na rin daw si Jonas sa A&Q camp para wala nang isyu.

Okay lang rin daw kung wala siyang kandidata sa mga susunod na pageants kahit iyon ang buhay niya dati.

Continue reading below ↓

Pakli niya, “Okay lang yun, mas masaya!”

Pero siya ang kilalang beauty queen maker.

Aniya, “Well, I have Empire.PH.

“Empire is a school, so if you want to be a beauty queen, if they want to learn from the best, they come here.

“So kunwari may magpapaturo dito na siyempre mag-e-enroll, so kung sasali siya ng Binibini, bahala siya, on her own.”

Ayos lang rin daw sa kanya kung sakaling may kandidata na nag-train sa Empire pero ang nagpasok sa pageant ay Kagandahang Flores na isa pa ring beauty camp na tulad ng Aces and Queens at masasabing karibal nito.

Hirit niya, “Okay lang kasi hindi ko na siya maaasikaso doon, e.”

May paliwanag si Jonas kung bakit madali para sa kanya na i-give up ang mentoring ng beauty queens.

Rason niya, “Well, number one, I employ a lot of people, so I have to think about business.

“If pagpapatuloy ko yung volunteerism lang ng ganun, paano ko bubuhayin ang mga tao?

Continue reading below ↓

“Para kang may pamilya, na alangan namang forever nasa charity ka?

“Paano mabubuhay ang pamilya mo?

“And Empire is not only Empire Studios.

“I have Empire Digital, I have Empire Talents.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Respected queenmaker Jonas Gaffud (left) on possibility of Pia Wurtbach (right) bagging Darna role: “Kung ibibigay, why not? Ibig sabihin sa kanya yung bato."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results