Has Jolo Revilla proposed? Actor-politician hints at engaged status with girlfriend Angelica Alita

by Rachelle Siazon
May 30, 2019
Cavite Vice Governor Jolo Revilla flaunts photo of girlfriend Angelica Alita wearing what appears to be an engagement ring.

Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na ang nagpahiwatig na engaged na sila ng girlfriend niyang si Angelica Alita.

Ito ay makalipas ang mahigit isang buwan mula nang unang maiulat ang kapansin-pansing diamond ring na suot ni Angelica nang magbakasyon sila ni Jolo sa Boracay.

Sa Instagram post ni Jolo noong Martes, May 29, tila sadyang ipinakita ng binata ang suot na diamond ring ni Angelica sa kanilang couple photo.

Tila kinikilig na nagtitigan at magkahawak pa ng kamay ang magkasintahan habang may bitbit na ice cream cone ang dalaga.

Kalakip ng isang kiss emoji, sabi ni Jolo sa caption ng litrato: "Ang tamis naman.. ang lagkit pa ng tingin!"

Continue reading below ↓

Isang matamis ding kiss emoji at hearts ang iniwang comment ni Angelica rito.

Base sa naka-tag na location ng kanilang Instagram photo, kuha ito sa Bacio di Latte, isang ice cream shop sa Los Angeles, California, U.S.A.

May hiwalay ding Instagram post si Angelica na kuha nila ni Jolo sa ice cream shop, at kapansin-pansin din dito ang suot na diamond ring ng dalaga.

Continue reading below ↓

NETIZENS CONGRATULATE JOLO AND ANGELICA

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang seemingly-engaged status ng couple, lalo pa't sa left ring finger karaniwang sinusuot ang isang engagement ring, tulad ng kay Angelica.

Bunsod nito ay may ilang Instagram followers si Jolo na naghayag ng congratulatory messages para sa couple.

Continue reading below ↓

JOLO SAYS ANGELICA MAKES HIM REALLY HAPPY

Valentine's Day nitong 2019 unang kinumpirma ni Jolo na magkarelasyon sila ni Angelica.

Sinorpresa pa niya ng bouquet of flowers ang dalaga at sinabihang nagbigay-saya raw ito sa kanyang puso dahil "I have you in my life."

Lumalabas na ilang buwan pa lang magkasintahan sina Jolo, 30, at Angelica, 23.

Dahil noong August 2018, may litrato pa si Angelica kasama ang noo'y boyfriend niyang si Brian Poe Llamanzares, base sa Instagram post ng binata.

Si Jolo naman ay humigit-kumulang anim na taong karelasyon si Jodi Sta. Maria, hanggang sa naghiwalay sila noong June 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, angelica alita
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Vice Governor Jolo Revilla flaunts photo of girlfriend Angelica Alita wearing what appears to be an engagement ring.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results