Loisa Andalio reveals lessons learned after alleged video scandal

by Bernie V. Franco
Jun 1, 2019
Kapamilya actress Loisa Andalio says she learned countless lessons after her alleged private video controversy. "Lahat ng nangyayari dapat may lesson. Kasi kung walang lesson, wala lang yun."
PHOTO/S: @iamandalioloisa on Instagram

Nagsalita si Loisa Andalio tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya noong Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon sa 20-year-old actress, marami siyang natutunan dahil dito.

“Kumbaga, kahit anong pagsubok yung dumaan sa 'yo, huwag kang susuko.

“Kumbaga, lahat ng nangyayari dapat may lesson.

"Kasi kung walang lesson, wala lang yun," saad ng dating Pinoy Big Brother Teen housemate sa episode ng Tonight With Boy Abunda (TWBA) nitong May 31, Biyernes.

Hindi direktang tinukoy sa panayam niya kay Boy Abunda kung anong kontrobersiya ang kinasangkutan ni Loisa.

Pero naging laman ng mga balita ang Star Magic artist nang maging viral ang diumano'y private video niya.

Sa kanyang panayam sa TWBA, inamin ni Loisa na ang pagtitiwala niya agad ang naging dahilan kung bakit siya napahamak.

“Kumbaga, sa akin din, na huwag ding magtiwala agad basta-basta sa mga taong nakapaligid.

“Ako kasi, Tito Boy, parang magkita lang tayo isang beses, parang napakagaan na agad ng loob ko, or parang sobrang kaibigan na talaga kita.

Continue reading below ↓

"Parang ganun po yun lang yung mahirap sa akin.

“Pero natutunan ko din na, ayun, huwag magtitiwala agad basta-basta, pero hindi masamang maging mabuti sa kapwa.”

Sa panahon daw ng pagsubok, may mga taong naging sandalan si Loisa.

“Sa family ko po talaga, Tito Boy. Sila talaga yung nandiyan sa akin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"At sa mga kaibigan ko, kay Ronnie, kay Ronnie din.

"At sa mga sumusuporta sa akin."

Ang tinutukoy na "Ronnie" ni Loisa ay ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte.

Dagdag pa ni Loisa, “Hindi ka talaga iiwan ng family, kahit ano pang mangyari sa 'yo.

"Kahit na ikaw na yung masama, ikaw na yung ano… nandiyan sila."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Loisa Andalio says she learned countless lessons after her alleged private video controversy. "Lahat ng nangyayari dapat may lesson. Kasi kung walang lesson, wala lang yun."
PHOTO/S: @iamandalioloisa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results