Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Veteran comedian Gary Lising dies

by Bernie V. Franco
Jun 1, 2019
Veteran comedian Gary Lising passes away.His brother, Pompeii Lising, confirmed the sad news via Facebook post this Saturday afternoon, June 1.
PHOTO/S: Photo grabbed from Rated K

Pumanaw na ang beteranong komedyante na si Gary Lising.

Siya ay 78 taong gulang.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Sabado, June 1, inanunsiyo ng kapatid ni Gary na si Pompeii Lising ang pagpanaw ng komedyante.

Mensahe ni Pompeii: “I am sad to inform some terrible news.

"We lost our beloved Gary Lising, my eldest brother, today.

“Gary, thank you for all the laughs and love, we will miss you deeply.

“But I know that your jokes will make God laugh.

“Rest in Peace my dear brother…”

Continue reading below ↓

Hindi nagdetalye si Pompeii sa kanyang post kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Gary.

Ngunit ayon sa ulat ng Inquirer, matagal nang may problema sa puso si Gary.

Una siyang nagkaroon ng cardiac arrest noong 2009 at naulit ito noong 2012.

Pagkatapos ng kanyang cardiac arrest noong 2012, kinailangan niyang sumailalim sa angioplasty, hindi lang isang beses.

Nakilalala si Gary dahil sa kanyang comic wit at green jokes, at karamihan dito ay laman ng kanyang mga joke books tulad ng How Green Is Your Mind?; Golf, Erap and Other 4-Letter Words, Lifestyles of the Poor and Unknown, at Confessions of a D.O.M.

Naging bahagi rin siya ng sikat na TV gag show na Champoy noong dekada ’80, kasama ng original cast members na sina Subas Herrero, Noel Trinidad, Cherie Gil, Mitch Valdes, at Tessie Tomas.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Run Barbi Run at Alyas Boy Tigas noong dekada ‘90.

Continue reading below ↓

Siya ay nagtapos ng Economics sa Ateneo de Manila University.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedian Gary Lising passes away.His brother, Pompeii Lising, confirmed the sad news via Facebook post this Saturday afternoon, June 1.
PHOTO/S: Photo grabbed from Rated K
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results