Sue Ramirez denies rumors of past relationship with Arjo Atayde

by Rommel Gonzales
Jun 1, 2019
Sue Ramirez clarifies that she and Arjo Atayde were never an item when they were co-stars in Hanggang Saan two years ago: “Nung nagka-show po kami ni Arjo, may girlfriend po siya nung time na yun."
PHOTO/S: @sueannadoods on Instagram

Hindi raw naging sila noon ni Arjo Atayde, ayon kay Sue Ramirez.

Natsismis kasi na nagkaroon sila ng relasyon.

“Talaga?

“Nung nagka-show po kami ni Arjo, may girlfriend po siya nung time na yun.

“And wala, sobrang close lang kami talaga, kaya siguro na-isyu kami,” pahayag niya.

Taong 2017 noong nagkasama sina Sue at Arjo sa drama series na Hanggang Saan kung saan gumanap sila bilang magkasintahan.

Gaganap si Sue bilang si Shine Mapalad sa Sunshine Family at kasama sa cast sina Shamaine Buencamino (as Sonya Mapalad), Nonie Buencamino (Don Mapalad) at Marco Masa (as Max Mapalad).

Produced by Spring Films/FILM LINE Pictures Productions LTD, ito ay sa direksyon ni Kim Tai Sik.

SEXY PHOTOS

Marami ang pumupuri sa mga seksing litrato ni Sue sa kanyang Instagram account.

Kadalasan ay may mga kuha siyang naka-two piece swimsuit, o di kaya ay bra top at shorts.

Matindi siguro ang kanyang diet at workout regimen kaya slim and fit ang Kapamilya female star.

Continue reading below ↓

“Wala nga, e. Kain nga ako ng kain e,” at tumawa si Sue.

Pag-amin niya, “Ang sekreto po dito ay anggulo!

“Iyon talaga ang pinakamalaking factor.

“Kailangang magaling yung photographer at tama yung anggulong kinukuhanan.”

FAVORITE BEACH

Napupuri rin ang beach shots ni Sue.

Kuwento niya tungkol dito, “Probinsiya po kasi namin talaga ang Negros.

“Hometown po iyan ng mommy ko—Sipalay City in Negros Occidental, so I’m Ilongga.

“Never pa akong nakapunta ng Boracay, never pa akong nagpa-Palawan.

“Kasi everytime that I get the chance to go to the beach, I go to my mom’s hometown.

“That’s the only place I wanna go.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue sa mediacon ng Sunshine Family noong May 14 sa Tipsy Pig sa T. Morato Ave. sa Quezon City.

Bago pa siya maging isa sa mga bida sa Sunshine Family ay nagbida na si Sue sa Ang Babaeg Allergic sa WiFi last year.

Continue reading below ↓

MOVIE PLOT

Saan mas mabigat ang papel na ginampanan niya?

Pagkumpara niya, “Actually, magkaiba, e.

“Dito kasi parang family…

“Dun kasi sa WiFi, ang main problem ko dun is yung health problem ko, which is... yun nga, meron akong EHS [electromagnetic hypersensitivity] Syndrome na allergic ako sa anything that emits radiation.

“Kailangang may aluminium foil ako sa ulo kapag lumalabas.

“So dito naman po, I think ang mabigat dito it’s because pamilya na yung pinag-uusapan.

“So kapag may isang bumagsak sa pamilya, parang lahat ng part ng pamilya na iyon ay sumasama pababa.”

CONFLICT

Bahagi ng kuwento ng pelikula ay naka-hit-and-run ang ama (Nonie) ni Shine (Sue) at ang kasintahan niya ay isang Korean policeman.

“E, sa Korea meron silang death penalty! So eye for an eye.

“So most probably iyon yung pinakamalaking conflict sa utak ko, na sasabihin ko ba dun sa boyfriend ko na nakapatay ang tatay ko or will I like hold yung family namin, yung para maitawid yung problema na ito?

Continue reading below ↓

“So iyon yung magiging conflict,” kuwento niya.

Ipapalabas sa mga sinehan ang Sunshine Family ngayong Miyerkules, June 5.



Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez clarifies that she and Arjo Atayde were never an item when they were co-stars in Hanggang Saan two years ago: “Nung nagka-show po kami ni Arjo, may girlfriend po siya nung time na yun."
PHOTO/S: @sueannadoods on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results