Megan Young admits constant battle with stage fright

by Rommel Gonzales
Jun 2, 2019
Megan Young admits constant battle with stage fright: “Yes! Nanginginig pa rin ako. Meron pa rin, as in pinapawisan ang kamay ko, yung anit ko pinapawisan. But I found my own ways on how to deal with stage fright."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kagulat-gulat ang pag-amin ng aktres at Miss World 2013 na si Megan Young na hanggang ngayon ay meron pa rin siyang stage fright.

“Yes! Nanginginig pa rin ako.

“Meron pa rin, as in pinapawisan ang kamay ko, yung anit ko pinapawisan.

“But I found my own ways on how to deal with stage fright.

“How? Dealing with it, just dealing with it.

“Definitely the first couple of minutes na nasa stage ako, sobrang naginginig pa ako and I have to like, ‘Haaah! Haaah!’

“So parang I shout it off lang, shout out the nerves and eventually I get into the groove, and okay na ako,” pag-amin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa Empire Studios sa Uptown Mall sa Bonifacio Global City noong May 14.

Kakatapos lang ni Megan na mag-host at magsilbing motivational speaker para sa workshop series ng Empire.PH on Personality Development and Public Speaking.

Continue reading below ↓

WHO GETS MARRIED FIRST?

May chance ba na mas unang ikasal si Lauren Young na nakababatang kapatid ni Megan kaysa kina Megan at Mikael Daez?

“Baka hindi, baka hindi,” at tumawa si Megan.

“Masyado pang bata si Lauren.”

May non-showbiz boyfriend si Lauren.

SECRET TO ENDURING RELATIONSHIP

Ano ang sikreto ng walong taong relasyon nina Megan at Mikael?

Lahad niya, “Communication.

“We’re very open with each other.

“We don’t hide anything from each other and kahit na parang feeling ko, ‘Naku mukhang magagalit si Mikael,’ sinasabi ko pa rin sa kanya.

“'Tapos, ganun din siya sa akin.

“Kasi the more you hide it, the more na lalalim yung sugat ng away ninyo at lalong mas magiging big deal siya.

“So might as well address the problem and fix it right away.”

Never raw na naging isyu sa kanila ang selosan.

Continue reading below ↓

Pakli niya, “Actually, wala from the beginning.”

CRUSHES

At dahil open sila sa isa't isa, wala silang kiyeme sa pag-amin ng kani-kanilang crush.

Aniya, “We have crushes and we share it with each other! It’s not a problem.”

Sino ba ang crush ni Megan?

“Whoever I see on Instagram that’s cute,” at tumawa si Megan.

“I mean I don’t have like, ‘Oh my God, crush kita!’

“I’m like, “Ah, cute ito!’”

Malapit na muling mapanood si Megan sa GMA sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko kasama sina Kris Bernal, Rayver Cruz at Kim Domingo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young admits constant battle with stage fright: “Yes! Nanginginig pa rin ako. Meron pa rin, as in pinapawisan ang kamay ko, yung anit ko pinapawisan. But I found my own ways on how to deal with stage fright."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results