Ai-Ai delas Alas hints at getting screwed in business venture

by Arniel C. Serato
Jun 4, 2019
Ai-Ai delas Alas's 'hugot Monday' post: "anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si lord na bahala sa inyo .. basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw..."
PHOTO/S: File

Malalim ang pinaghuhugutan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa kanyang “hugot Monday” post sa Instagram kahapon, June 3.

Dito ay inisa-isa ng Kapuso actress-TV host ang mga naging pangarap niya sa buhay at mga pagkabigong naranasan mula noon hanggang ngayon.

Panimula ng 54-year-old comedienne, "Good morning everyone [smiley emoji].

"#hugotmonday, eto mga natutunan ko sa buhay ko sa pag daloy ng panahon, TRUST GOD, wag mawalan ng pag asa, ang buhay ay pana panahon, etc etc...

"sa buhay ko ang pangarap ko dati maging flight attendant pero d natupad...

"ngayun nasa showbusiness ako iniingatan ko ang bigay ng DYOS sa akin na trabaho or career kasi naniniwala ako na lahat ng bagay bigay ng DYOS.. (pag d mo iningatan sayang at baka bawiin nya) sobra ako nag sisipag Para sa pamilya ko, mga anak, magulang, para sa future namin ni gerald at magiging anak naming...

"simple lang naman ang pangarap ko buong pamilya at mag karon ng food chain kagaya ng jollibee hahaha…

Continue reading below ↓

"pero minsan hindi naten ma control ang nangyayre sa buhay naten na mag tataka ka bakit nangyayare .. siguro may gustong ituro ang tadhana sa akin."

Kasunod nito, ikinuwento rin ng Sunday PinaSaya star na minsan ay naloko na rin siya ng mga taong pinagkakatiwalaan at ipinaubaya na niya ito sa Panginoon.

Dagdag niya, "At siguro para itama ang mga mali ko sa susunod na ma encounter ko ulit ito...

"minsan d ko din alam bakit niloloko ako ng mga tao sa paligid ko...

"sabi ng mga totoo kong kaibigan at asawa mabait ka kasi masyado...

"ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait??

"Dba pag mabait ka matutuwa si LORD SAYO ??...

"anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si lord na bahala sa inyo...

"basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw .. at madami blessing sa buhay ko...

Continue reading below ↓

"mababait at magagandang anak , magaling na nanay ko , napakabait at mabuti ng asawa ko , mga totoong kaibigang maasahan...

"at si LORD AT MAMA MARY na nakikinig parate sa aking mga dasal... GOD BLESS EVERYONE.…"

Sinamahan ito ni Ai-Ai ng mga hashtags na “#magingmabaitsalahatngpanahon #wagbibitawsamundokahitmadamingdemonyo #itneverrainsforever #superpinaghirapankoangperako.”

May quote card ding sinama si Ai-Ai mula sa iba't ibang authors.

Continue reading below ↓

Sinu-sino kaya ang mga tinutukoy ni Ai-Ai sa post niyang ito?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas's 'hugot Monday' post: "anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si lord na bahala sa inyo .. basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw..."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results