Daniel Padilla says Kathryn Bernardo Best Actress award long overdue

by Melba R. Llanera
Jun 5, 2019
Daniel Padilla says longtime girlfriend Kathryn Bernardo's Best Actress win at the 35th Star Awards is long overdue. Daniel also supports Kathryn's upcoming movie with Kapuso star Alden Richards, and says he is open to working with VIVA talent and fellow Kapamilya star James Reid.
PHOTO/S: Allan Sancon

Para kay Daniel Padilla, long overdue na ang Best Actress award na natanggap ng kasintahang si Kathryn Bernardo sa 35th Star Awards for Movies.

Nanalo si Kathryn para sa pelikulang The Hows Of Us, kung saan na-nominate din si Daniel bilang Best Actor.

Si Ogie Alcasid ang nanalong Best Actor para sa Kuya Wes.

Sa emosyonal na acceptance speech ni Kathryn, inamin niyang may mabigat siyang pinagdaanan sa kanyang showbiz career bago tinanggap ang The Hows Of Us, dahilan para kuwestyunin ang sariling kapasidad bilang isang aktres.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Daniel pagkatapos ng awards night noong Linggo, June 2, sinabi nitong proud na proud siya kay Kathryn.

"Sabi ko nga sa inyo, matagal na ito dapat nakuha, pero ito siyempre nakamit na niya.

"I'm very, very proud, she deserves it.

"Talagang mapupunta ka sa punto na yun.

"Ako naman, lagi kong sinasabi sa kanya, 'Para sa iyo talaga 'yan.'

Continue reading below ↓

"Yung The Hows Of Us, dinala niya ang pelikula na yun.

"Kumbakit ganun kaganda yung pelikula na yun, kung bakit ganun kaganda yung istorya, talagang nagampanan ng characters, lalo na si Kathryn.

"She deserves this and she deserves more."

Mensahe pa niya kay Kathryn, "Bal, I'm very, very proud of you. You deserve this and you deserve more."

Tungkol naman sa pag-amin ni Kathryn sa pinagdaanan nito noon, sinabi ni Daniel na normal lang ang naramdaman ng girlfriend dahil sa tagal na rin nito sa industriya.

"Lagi akong nasa tabi niya.

"Kinukuwestiyon niya kasi, alam ninyo yun, napakatagal na sa industriya ni Kathryn.

"Mas mahaba na siyang panahon kaysa sa akin. Mas marami na rin siyang nagawang mas mahihirap.

"At ngayong gabi, nakamit na niya ang umpisa na marami pang makakamit."

SEVENTH ANNIVERSARY

Kagagaling lang nina Daniel at Kathryn sa Morocco para sa 8-day-trip in celebration of their 7th year anniversary.

Continue reading below ↓

Pagbabahagi ni Daniel, marami silang natutunan sa biyahe nilang ito.

"Wala lang, gusto lang namin ng isang cultural trip na talagang 360 [degrees] yung pagkakaiba dito sa Pilipinas.

"Gusto naming ma-experience yung buhay ng ibang tao, ibang mga lahi, and it makes you humble.

"Pinapalaki niya ang mundo mo, at the same time, lumiliit ka."

Isang sulat din ang iniregalo ni Kathryn para kay Daniel, kung saan marami ang kinilig nang i-post ito ng aktres sa kanyang Instagram account.

Sabi naman ni Daniel, "Sobra. Super, e, alam mo yung sulat na yun, alam niyo kami, sobrang tagal na naming magkasama.

"Pagmamahal lang naman ang makakagawa ng ganun, kagaya ng mga letter, kaya sobra akong na-touch.

"Namula nga ang tenga ko nung binasa ko, nakita niya yun, kahit tanungin ninyo siya."

Marami ang naniniwala sa seven-year-itch kung saan ito raw ang pinaka-crucial na taon sa isang relasyon na kapag nalagpasan ay masasabing matatag na talaga sila.

Continue reading below ↓

Positibo naman si Daniel sa relasyon nila ng kasintahan.

"Every year is a challenge, you know.

"Lagi namang challenge ang bawat taon, pero sa tamang balanse, sa tamang pagmamahal, it will work.

"It wil work out in the end."

KATHDEN MOVIE, JAMES REID

Tapos na ang pelikulang pinagtatambalan nina Kathryn at Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye, at malapit na rin itong i-promo at ipalabas.

Buo raw ang suporta rito ni Daniel.

Aniya, "Very, very proud, I'm very, very proud.

"Sabi ko nga sa inyo, she deserves better, she deserves more dahil sobrang husay aktres ni Kathryn na talagang naibibigay niya.

"Di biro ang mga direktor na nakakatrabaho niya para mapasaya niya, para maging proud sa kanya."

Marami rin sa KathNiel fans ang nag-aabang kung kailan magkakasama uli sa isang proyekto ang dalawa.

Paniniguro naman ni Daniel, right timing lang ang hinihintay nila.

"Yes, mayroon pa rin tayo. Naghahanap lang tayo ng magandang timing.

Continue reading below ↓

"Saka siyempre ilalabas muna yung pelikula ni Kathryn saka gagawa tayo."

Nagkasama sa isang TV commercial ng iniendorso nilang softdrinks sina Daniel at James Reid.

Bukas daw si Daniel sa isang pelikula na pagsasamahan nila ni James basta maganda ang istorya ng pelikula.

Aniya, "Ayoko namang maging sell-out lang ng pelikula dahil magkasama lang kami at gagawa kami."

Paglalarawan pa ni Daniel kay James, "Steady lang, simple. Mabait na tao yun, tahimik lang.

"Ako lang ang magulo sa shoot na yun. Tahimik lang talaga si James."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla says longtime girlfriend Kathryn Bernardo's Best Actress win at the 35th Star Awards is long overdue. Daniel also supports Kathryn's upcoming movie with Kapuso star Alden Richards, and says he is open to working with VIVA talent and fellow Kapamilya star James Reid.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results