Kristoffer Martin answers furious netizens calling him fake Blackpink fan

by Rachelle Siazon
Jun 7, 2019
Kristoffer Martin refuses to back down from "sensitive" netizens accusing him of being a BlackPink bandwagoner: "Di man siguro ako kasing lala ng iba Blinks na alam lahat. Pero I appreciate them. Fan nila ako."

Pinutakti ng pambabatikos si Kristoffer Martin mula sa ilang Pinoy avid fans na tinawag siyang bandwagoner at pekeng fan ng sikat na K-pop girl group na Blackpink.

Nag-ugat ito sa pag-amin ni Kristoffer na isa siyang Blink at lihim niyang iniidolo ang Blackpink mula nang mapanood niya ang isang music video ng grupo.

"Blink" ang tawag sa solid fans ng Blackpink na binubuo ng mga miyembrong sina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa.

Base ito sa tweet ni Kristoffer noong gabi ng Miyerkules, June 5—o isang araw bago ginanap ang Blackpink meet and greet na inorganisa ng isang shopping app brand dito sa Manila.

Sabi rito ng Kapuso actor: "blackpinkofficial is the only kpop group who made me appreciate the genre. I remember the first time I saw their video (as if it’s your last), sa isang korean restaurant.

"Yun lang yung video na nagustuhan ko at pinanuod ko talaga from the beginning to end.

Continue reading below ↓

"Since then, I started watching their videos even dancing to their songs (I have videos in private.)

"OO BLINK AKO."

Sinabi rin ni Kristoffer na excited siyang makaharap nang malapitan ang Blackpink sa meet-and-greet event.

"In a few hours I’m gonna see my bebes! Hahaha.

"Pambawi dahil di ako nakanuod nung concert nila dito.

"Masinghot ko man lang yung hangin na nasa isang room kami lahat masaya na ko. Hahaha."

Makalipas lang ang ilang oras, inakusahan ng ilang netizens si Kristoffer na hindi raw tunay na Blink ang aktor dahil ni hindi raw nito pina-follow ang lahat ng miyembro ng Blackpink.

Patunay raw nito ay ang screenshot ng mga pina-follow ni Kristoffer sa Instagram na sina Jennie, Rose, at Lisa.

Aapat na lang daw ang BlackPink ay hindi pa raw nakuhang i-follow ni Kristoffer si Jisoo.

Nagulat si Kristoffer sa tindi ng galit sa kanya ng netizens.

Continue reading below ↓

KRISTOFFER ON TERRITORIAL PINOY BLACKPINK FANS

Diretsahang reply ng aktor sa isang netizen:

"I don’t get the hate. Meron di nafollow oo. Pero it doesn’t mean na fake fan?

"We all have our favorites. I appreciate their music.

"Lowkey fan yes. Pero why hate? I don’t get the point."

Dahil dismayado sa pagka-territorial ng ibank Blackpink fans, nag-tweet ulit si Kristoffer na payag na siyang hindi matawag na certified Blink.

"Okay adjust tayo sa henerasyong sobrang sensitive.

"Di po ako BLINK. Ayan po ha?

"Gusto ko yung kanta nila and some of their members. Oks na?"

Hindi pa rin siya tinantanan ng fans sa umano'y pagbawi ng kanyang paghanga sa fans.

Kaya ni-retweet ni Kristoffer ang pahayag niyang hindi siya Blink, at saka sinabing nagpapakasarkastiko lang siya.

STILL A BIG FAN OF BLACKPINK

Hindi lang daw kasi maintindahin ni Kristoffer kung bakit sa isang simpleng bagay ay inaatake na siya sa social media.

Continue reading below ↓

"Okay last. This tweet is pure sarcasm. Daming galit diba? Ulitin ko, wala akong sinabing masama against the group.

"Totoong fan ako. Sayawin ko pa lahat ng kanta nila eh.

"Ang nangyari, may nagstalk, may nakitang di nafollow, nagalit, inatake ako. Sino may problema?"

Sa huli, naghayag si Kristoffer ng kanyang first impression kay Jisoo ng BlankPink.

"I’ll end everything with this. Litaw na litaw ganda ni Jisoo kahapon.

"kahapon pa nakataktak sakin yan kaso daming attacking rangers. Mahirap ipasok. I appreciate all of them.

"Di man siguro ako kasing lala ng iba Blinks na alam lahat. Pero I appreciate them. Fan nila ako."

Continue reading below ↓

Ipinahiwatig naman ni Kristoffer ang kanyang appreciation sa ilang netizens na ipinagtanggol siya laban sa mga umano'y territorial fans ng K-pop group.

Ni-retweet ng Kapuso actor ang ilan sa mga dumepensa sa kanya:

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin refuses to back down from "sensitive" netizens accusing him of being a BlackPink bandwagoner: "Di man siguro ako kasing lala ng iba Blinks na alam lahat. Pero I appreciate them. Fan nila ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results