Liza Soberano denies rumored breakup with Enrique Gil

by Nikko Tuazon
Jun 9, 2019
Enrique Gil visits Liza Soberano in the U.S., where the latter will be undergoing her fourth surgery for her injured finger.
PHOTO/S: @jonilyncastillo / @lizasoberano on Instagram

"Oo naman."

It ang mabilis na sagot ni Liza Soberano sa tanong ng manager nitong si Ogie Diaz kung sila pa ba ng boyfriend na si Enrqiue Gil.

Usap-usapan kasi ng ilang netizens na nagkakalabuan na ang dalawa dahil hindi na sila nakikitang magkasama.

Binigyang linaw ni Liza ang estado ng kanilang relasyon sa interview ni Ogie, na ipinost nito sa kanyang official Facebook page noong Miyerkules, June 5.

Sa kasalukuyan, nasa U.S. si Liza para sa surgery ng kanyang finger injury.

Sa caption ni Ogie, sinabi nitong bumisita rin si Enrique kay Liza dalawang araw matapos ang kanilang panayam.

Narito ang litrato ng Kapamilya couple na kuha tita ni Liza na si Joni Lyn Castillo-Pillarina.

Continue reading below ↓

LIZA'S HEALTH UPDATE

Nagbigay rin ng health update si Liza para sa kanyang mga fans.

Tila aabot pa ng ilang linggo ang kanyang recovery.

Katatapos lang sumailalim ni Liza sa isang surgery upang lagyan ng stabilizer ang kanyang hinututuro.

Ang kuwento niya kay Ogie, "Well, basically. Ang nangyari po, nagkaroon ako ng bone infection.

"'Tapos, the doctor had to take out the titanium na nilagay nung nasa Philippines pa lang ako.

"Tapos, after tanggalin, they had to put a stabilizer kasi hindi kaya ng bone na siya lang.

"So they had to hold the bone together."

Mag-aantay ang dalaga ng anim na linggo bago muling sumailalim sa panibagong operasyon.

"Parang six weeks, kailangan nandito yung stabilizer.

"'Tapos, six weeks din po akong mag-antibiotics kasi kailangan ma-make sure na totally wala akong infection before we do the second operation, which is pang-fourth operation ko na actually.

"It's either we're going to do a joint replacement or ifu-fuse yung bone."

Continue reading below ↓

Ang Kapamilya network daw ang sumagot sa lahat ng gastusin ni Liza.

"ABS-CBN is taking care of everything, yung stay namin dito, yung food, yung hospital bills."

Matatandaang na-injure ang kanang hintuturo ni Liza matapos ang eksena nito kasama ang Bagani co-star na si Justin Cuyugan.

Ito ang dahilan kung bakit siya nag-back out sa pagganap bilang Darna.

May pag-asa pa rin bang sa kanya pa rin mapunta ang iconic role?

"Feeling ko hindi po kasi ang tagal ng lahat ng pangyayari.

"It will be sad to keep them waiting. E, alam ko kailangan na mag-shoot ng Darna, so yun."

Sa huli, nagbigay naman ng mensahe si Liza para sa kanyang mga fans.

"Hi to all the LizQuen and Liza fans. Thank you so much for supporting me.

"I've seen you get well soon messages so thank you.

"And I hope to see you some of you guys soon, and hang in there kasi malapit na kaming mag-taping as soon as I get better."

Continue reading below ↓

Nauna nang ibinahagi ni Ogie na magkakaroon si Liza ng bagong serye at pelikula kasama si Enrique matapos gumaling ang kanyang finger injury.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil visits Liza Soberano in the U.S., where the latter will be undergoing her fourth surgery for her injured finger.
PHOTO/S: @jonilyncastillo / @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results