Jason Abalos, Pia Wurtzbach defend Vickie Rushton's Q&A gaffe

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2019
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) and Jason Abalos come to the defense of Vickie Rushton after her failed Binibining Pilipinas 2019 bid.
PHOTO/S: Courtesy: @piawurtzbach / @thejasonabalos on Instagram

"Hakot Queen" ang tawag ngayon kay Vickie Rushton ng Negros Occidental matapos iuwi ang karamihan sa special awards sa Binibining Pilipinas 2019.

Sa 13 special awards, anim ang napagwagian ng nobya ng aktor na si Jason Abalos.

Kabilang dito ang Jag Denim Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader's Choice, Poten Cee Gandang Palaban, Miss World Balance, at Bb. Cream Silk.

Maraming tagahanga ni Vickie ang umasang malampasan niya ang kanyang naabot noong Binibining Pilipinas 2018, kung saan naging first runner-up siya.

Nakabilang man siya sa Top 15 ngayong Binibining Pilipinas 2019, hindi pinalad si Vickie na mapanalunan ang isa sa anim na pinaglalabanang korona.

Ang sinasabing dahilan ng pagkatalo ni Vickie ay ang hindi niya magandang performance sa Question and Answer segment.

Ayon kay Vickie, na-distract siya sa isang audience kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong sa kanyang: “Why is mental health as important as physical health?

Bunsod nito, umani ng pambabatikos si Vickie lalo pa't mental health pa naman ang kanyang adbokasiya.

Continue reading below ↓

OVERRATED?

Sa isang Instagram post ni Jason ngayong araw, June 10, may isang netizen na nagkomento tungkol sa pagkabigo ni Vickie na manalo sa Binibining Pilipinas.

Sabi ni @claaarizze: “Overrated, she's just sponsors' favorite.

"Lol, the question she got for Q&A was even bias because her advocacy is mental health yet she didn't answer well.

"Maybe Ms. U isn't really for her. #JustSaying.”

Hindi ito pinalampas ni Jason.

Buwelta ng Bihag actor: “@claaarizze sali ka mag cheer kami for you :)”

Continue reading below ↓

Bago pa man ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2019 sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi, June 10, nagpaabot na ng kanyang suporta si Jason sa kanyang girlfriend.

Mensahe ng Kapuso actor para kay Vickie: “Nakatingin ka sa bituin. Hindi sya, ikaw. Tingnan mo syang mabuti! Makikita mo sa mga mata nya ang sinasabi ng puso nya. Lumalaban sya hindi para sa sarile nya, don sya naiba sa iba.”

Continue reading below ↓

PIA WURTZBACH

Hindi man nakadalo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa shooting ng kanyang ginagawang pelikula, naka-monitor naman daw siya sa grand coronation ng Binibining Pilipinas kagabi.

Masaya raw siya sa napiling winners, pero nalungkot daw siya para kay Vickie.

Mensahe pa ni Pia sa kanyang Instagram Story: “However, my heart also breaks for Vickie.

“I hope she can try again.

“I believe this girl is smart.

“Nerves can happen to even the best of us.

"It's not easy to compete.

“Keep your chin up, Vickie."

Si Pia ay tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas bago niya nakuha ang titulong Miss Universe Philippines noong 2015.

Continue reading below ↓

BINIBINING PILIPINAS 2019 WINNERS

Narito ang listahan ng mga nanalo sa Binibining Pilipinas 2019:

Miss Universe Philippines 2019 – Gazini Gadanos

Bb. Pilipinas International 2019 - Bea Patricia Magtanong

Bb. Pilipinas Supranational 2019 - Resham Ramirez Saeed

Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 - Emma Mary Tiglao

Bb. Pilipinas Grand International 2019 - Samantha Lo

Bb. Pilipinas Globe 2019 - Leren Mae Bautista

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) and Jason Abalos come to the defense of Vickie Rushton after her failed Binibining Pilipinas 2019 bid.
PHOTO/S: Courtesy: @piawurtzbach / @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results