GMA Network investigates absence of medical team at Rosang Agimat taping

by Erwin Santiago
Jun 10, 2019
GMA Network issues official statement about the absence of medical team on the set of Rosang Agimat, where veteran actor Eddie Garcia collapsed while doing a scene.
PHOTO/S: Jerry Olea / Glaysa Apoya Facebook

Naglabas ng official statement ang GMA Network kaugnay ng aksidenteng naganap sa taping ng upcoming primetime series na Rosang Agimat noong Sabado, June 8.

Noong araw na iyon naaksidente ang isa mga artista ng teleserye na si Eddie Garcia.

Nag-collapse ang beteranong aktor matapos mapatid sa isang eksena.

Base sa medical reports, nagkaroon ng fracture sa leeg si Eddie at ngayon ay comatose.

Ayon sa official statement na ipinadala ng GMA Network sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes ng gabi, June 10, karaniwan nang ginagawa na may nakaantabay na medical personnel at ambulance crew kapag may kinukunang malaking actiong scenes sa mga teleserye.

Ganito rin daw ang ginagawa sa iba pang mga programa ng Kapuso network.

Kaugnay nito, kasalukuyang iniimbestigahan ng GMA Network ang kawalan ng medical team sa set ng Rosang Agimat noong June 8.

Muli ring ipinaabot ng GMA-7 ang matinding kalungkutan sa nangyari kay Eddie.

Dagdag pa nila, "the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon pa rin ang beteranong aktor, na naka-confine sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center.

GMA NETWORK STATEMENT

Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Network sa medical team issue:

"It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs.

"Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.

"GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Network issues official statement about the absence of medical team on the set of Rosang Agimat, where veteran actor Eddie Garcia collapsed while doing a scene.
PHOTO/S: Jerry Olea / Glaysa Apoya Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results