Cherie Gil gets positive feedback for "don't call me tita" post

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2019
Cherie Gil on newbies who call her 'Tita': "Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba?"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Malaki ang epekto ng "Don’t Call Me Tita" viral post ni Cherie Gil noong December 2018 dahil nangimi na ang kanyang co-stars at ang production crew na tawagin siyang "Tita."

Ang "Don’t Call Me Tita" ang showbiz etiquette na isinulat ni Cherie, isang araw na nagising siyang mainit ang kanyang ulo.

Kuwento ni Cherie, "Ang unang-unang inilagay ko, 'Never call me Tita.'

"'Tapos, ipinasa na ni Lea Salonga, she posted it and shared it and, somehow, it became viral to the point na blogs were written about it.

"It became a social issue.

"Yun pala, marami na ang nag-a-identify sa akin na mga women my age, who actually find it awkward to be called tita just because it’s meant that you’re older.

"So what gives you the right to address someone as tita?

"So yun, naging usap-usapan, dun na nag-start."

Paliwanag niya, "Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita. Yung mga kilala ko!

Continue reading below ↓

"I uphold the term tita to those who really deserve the term tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friend."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherie sa presscon ng StarStruck 7 nitong Lunes ng gabi, June 10.

STRANGERS WHO CALL HER TITA

Sinabi rin ni Cherie na sa dami ng mga gustong makapasok sa showbiz industry, "Tita" na agad ang tawag sa kanya, kahit hindi pa mga nagpapakilala.

"Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba?

"Just because you appeared on TV, I’m supposed to know you?" straightforward na sabi ng aktres.

May pinangaralan na ba siyang baguhang artista dahil sa pagtawag sa kanya ng tita?

"Yeah, pero hindi naman lecture. 'Pamangkin ba kita?'

"But I do it in a way na joking lang. They don’t really get offended naman.

"Madami ‘yan... mga assistant director, 'Tita, dito po kayo.'

Continue reading below ↓

"'A, excuse me, kailan ba kita naging pamangkin?'"

Bukod sa "Don’t call me Tita," pinuna rin ni Cherie sa showbiz etiquette niya ang paghalik sa kanya ng mga artista bilang pagbati.

“NEVER ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are! Introduce yourself first!” warning niya.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Cherie na imbes na ibeso siya, mas gugustuhin pa niyang magmano sa kanya ang mga mas nakababatang artista.

"Nang lumabas yun, naiilang na rin silang mag-kiss.

"Yung beso nila, di ba, may nagbebeso sa noo, ilong? Huwag na lang magbeso.

"May isang nagbebeso, nagbe-bend pa, andito," sabay turo sa kanyang dibdib.

"I’ve already said it many times, don’t kiss if you don’t do it naturally.

"Sad na nawala yung mano. Maganda yung mano.

"May mga anak ng cameramen, pumupunta sa set, diretso sila sa isa’t isa, mano pa rin.

"Magandang tingnan."

Kung may magmano sa kanyang young stars?

"Okey lang ‘yan, better than kissing you with their nose or their hair or half their ear."

Si Cherie ang isa sa tatlong miyembro ng StarStruck Council; ang dalawa pa ay sina Jose Manalo at Heart Evangelista.

Tanggap ng multi-awarded actress na dahil sa showbiz etiquette na inilabas niya, marami na ang naiilang sa kanya, tulad ng StarStruck Season 7 contenders.

Continue reading below ↓

"I don’t think they call me anything. Parang mas safe na yata na huwag akong tawagin!" natatawang kuwento ni Cherie.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherie Gil on newbies who call her 'Tita': "Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba?"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results