Jinkee Pacquiao approves of Heaven Peralejo for son Jimuel

by Glenn Regondola
Jun 11, 2019
Jinkee Pacquiao on son Jimuel: "Yung sa boxing lang niya ako nangingialam. Kasi, ayaw ko talagang mag-boxing siya."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Hindi raw tutol si Jinkee Pacquiao sa relasyon ng panganay nilang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel sa Kapamilya young star na si Heaven Peralejo.

Bukod sa maganda raw si Heaven, alam niyang isa itong mabuting tao na makakasundo ng kanyang anak at ng kanilang pamilya.

Malaking bagay rin daw na pareho ng faith ng kanilang pamilya si Heaven kaya mas madaling naging malapit ito sa kanila.

Pahayag ni Jinkee, “Tinanong ko siya [Jimuel] kung Christian siya [Heaven]. Ganun lang.

“Kasi yung parang advice ko sa kanila na, ‘Maghanap kayo ng Christian.’

“Yung Christian talaga na malapit kay Lord, kasi yun, importante talaga yun sa akin.

“Ayun, ganun din naman sina Heaven.

“Mabait namang bata si Heaven. Nakakasama ko naman siya.”

Si Jinkee ang kasama ni Jimuel na dumalo sa media launch ng BNY Apparel, kung saan inilunsad ang binata bilang pinakabagong celebrity endorser ng clothesline at jeans ng brand na ito.

Continue reading below ↓

Ginanap ang presscon sa The Prime Hotel, sa Quezon City, kahapon, June 10.

STATUS IN LIFE

Naging curious ang ilang entertainment reporters kung basehan ba nina Jinkee at Manny sa pagtanggap ng magiging kasintahan ng kanilang anak ang estado nito sa buhay.

Pagtutol ng 40-year-old mom ni Jimuel, “Ay, no, no!

“Not necessarily. Walang ganun.

“Kilala ko naman si Heaven, kasi napapanood ko siya noon sa Pinoy Big Brother.

“Sinubaybayan ko siya.”

Hindi rin daw nakikialam si Jinkee kung may girlfriend ang anak dahil alam niyang responsable ang kanilang panganay sa maraming bagay.

Pero may isang bagay lang daw na hindi niya mapigilang pakialaman ito.

Kuwento ni Jinkee, “Yung sa boxing lang niya ako nangingialam.

“Kasi, ayaw ko talagang mag-boxing siya.

“Ilang beses muna siyang pabalik-balik sa akin bago ako pumayag."

Dagdag niya, “At saka yung sa pag-aartista.

“Sa ngayon ay ayaw ko pa talaga, dahil ang gusto ko ay makatapos muna sila ng pag-aaral.

Continue reading below ↓

“Kapag nakatapos na sila, ayun, puwede na nilang gawin ang gusto nila.

“Pero si Jimuel, wala naman atang planong ganun.

“Yung ganito lang, yung mag-endorse o maging image model, okey lang sa kanya.”

Hindi raw alam ni Manny ang pagiging image model ng kanilang panganay na anak.

Pero sa tingin nila ay hindi naman kokontra ang Pambansang Kamao.

Natatawang saad ni Jinkee, “Si Manny, parang ano siya…

“Dito nga ngayon, parang nagpaalam lang siya [Jimuel] na meron siyang launching, ganyan.

“Pero hindi niya alam na... kami lang dalawa ang nag-uusap.

“Si Manny kasi, hindi niya nakakausap sa mga ganito, kasi masyado rin siyang busy sa boxing at saka sa Senate, kaya ako na lang.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao on son Jimuel: "Yung sa boxing lang niya ako nangingialam. Kasi, ayaw ko talagang mag-boxing siya."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results