Jason Abalos says Vickie Rushton not prepared for fan distraction

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2019
Jason Abalos on girlfriend Vickie Rushton Q&A gaffe: "Sobrang prepared sya sa lahat pinag handaan nya talaga to, hindi lang sya handa sa fans ng ibang candidates na nag ingay nong sya na ang sumasagot sa QnA..."
PHOTO/S: Courtesy: @thejasonabalos on Instagram

Nanindigan si Jason Abalos na preparadong-preparado ang nobya nitong si Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas 2019.

Ito ay sa kabila ng hindi natapos ni Vickie ang sagot sa katangunang ibinato ng judge na si Daniel Padilla tungkol sa mental health.

Paliwanag ni Vickie, na-distract siya sa isang audience habang siya ay nagsasalita kaya hindi niya natapos ang kanyang nais sabihin.

Sa Twitter kahapon, June 10, nagpaliwanag din si Jason kung bakit natigalgal si Vickie sa kanyang pagsagot.

Saad ng Kapuso actor: “Ganito, lahat kasi napapansin ni Vickie, kahit yung kumakain na parang baboy sa mesa ung maingay ngumuya, ung pagtama ng kutsara sa plato, lahat ng turo sa kanila sa school pati yong kapag nagsasalita ka dapat patapusin ka muna bago sumabat, pwera na lang kung babastusin ka talaga at Hindi papatapusin.

“Sobrang prepared sya sa lahat pinag handaan nya talaga to, hindi lang sya handa sa fans ng ibang candidates na nag ingay nong sya na ang sumasagot sa QnA, hindi ko sila masisisi kung ako man siguro iba ang bet ko tapos hakot awards ung isa, makakaramdam din Ako ng takot.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Jason na "hakot awards" ay ang anim na special awards na napanalunan ni Vickie Binibining Pilipinas: Jag Denim Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader's Choice, Poten Cee Gandang Palaban, Miss World Balance, at Bb. Cream Silk.

Gayunpaman, bigong makakuha ng isa sa anim na korona si Vickie kahit na nakapasok siya sa Top 15.

Dagdag pa ni Jason, “Pero tapos na guys, ok na yan, happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila, marami sila natutunan, matuto na din tayo rumespeto ng ibang tao.

“Kung mas magaling kayo wag na kayo magyabang. Ok na yan.

“Ok? Ok. God bless you all.”

Continue reading below ↓

Ito ang pangalawang sali ni Vickie sa Binibining Pilipinas.

Noong 2018 ay naging first runner-up siya.

Sabi naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, dapat sumali muli si Vickie sa Binibining Pilipinas.

Baka kasi suwertehin na siya katulad ni Pia na tatlong beses sumali hanggang sa makuha niya ang titulong Miss Universe Philippines 2015 at kalaunan ay ang mismong Miss Universe 2015 title.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos on girlfriend Vickie Rushton Q&A gaffe: "Sobrang prepared sya sa lahat pinag handaan nya talaga to, hindi lang sya handa sa fans ng ibang candidates na nag ingay nong sya na ang sumasagot sa QnA..."
PHOTO/S: Courtesy: @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results