Jimuel Pacquiao wants dad Manny Pacquiao to retire from boxing

by Glenn Regondola
Jun 13, 2019
PHOTO/S: Glenn Regondola

Kung si Jimuel Pacquiao ang masusunod, gusto na rin niyang itago permanently ng amang si Manny Pacquiao ang boxing gloves nito upang mag-focus sa ibang interes katulad ng politika at family life.

Si Jimuel ay ang panganay na anak ng Pambansang Kamao at ni Jinkee Pacquiao na ngayon ay sumusunod na rin sa yapak ng ama bilang isang amateur boxer.

Pahayag ni Jimuel sa opinyon din ng iba na dapat nang magretiro ang kanyang ama sa boksing: “Actually me, personally din, kasi the sports is scary nga, and he’s not getting older, it would be okay for me if he would retire.

“But for me lang, it’s not... it’s like nga na it’s his choice, so I support him kahit ano ang kanyang desisyon.”

Ibig bang sabihin nito ay siya na ang magtutuloy sa legacy ng kanyang ama kapag nagdesisyon itong magpahinga sa larangan ng boxing?

Continue reading below ↓

Sagot ni Jimuel, “Well, depende pa rin, kasi ngayon po, amateur pa rin ako.

“Kapag naging professional na po.

“Iba naman kasi kapag naging professional na po.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jimuel sa media launch ng BNY Apparel, kung saan siya ang pinakabagong image model nito, na ginanap sa Prime Hotel, Quezon City, noong Lunes, June 10.

Birong tanong ng entertainment press kay Jimuel: sino ang mas malakas sumuntok sa kanilang dalawa ng kanyang Papa?

Nakangiting sagot ng 18-year-old amateur boxer, “Siguro po siya, kasi more than twenty years na po siya sa sports.

“Pero gusto ko pong hamunin siya. Ha! Ha! Ha!

“Tinuturuan naman niya ako ng techniques, kung ano... pati na rin po sa trainings kung ano ang dapat gawin.

“Hindi ko naman yung makalaban siya, kasi professional level naman siya.

“Pero, like, yung mga friendly sparring lang.”

Continue reading below ↓

JIMUEL ON BULLYING

Nakaranas na ba siya ng pambu-bully, lalo na kapag natatalo ang kanyang ama sa laban o may isyu rito sa pagiging isang senador?

Sagot ni Jimuel, “Actually, never po akong nakaranas.

“Hindi ko po alam sa kanila.

“Hindi ko po alam, kasi I surround myself with people naman na right.

“May mga challenge po talaga, kasi it comes with the name.

“So yun, lalo na sa expectations, pero accept ko naman po.

“And show them naman the best version of myself.”

Marami ang humahanga sa mga anak nina Manny at Jinkee dahil wala raw yabang sa kanilang katawan.

Sa kabila ng lahat, nananatiling mababa raw ang kanilang loob at mababait na bata.

Ano ang masasabi ni Jimuel dito?

Saad niya, “Ganito po kasi kami pinalaki, at heto rin po ang nakita ko sa dad ko.

“And for me, he’s my role model po talaga.

Continue reading below ↓

“So just watching him stay grounded and abutin po talaga, happy ako.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results