Angelica Panganiban no comment on Carlo Aquino love life

by Melba R. Llanera
Jun 13, 2019
Angelica Panganiban on having a boyfriend: "Parang hindi na ako interesado, hindi na kasi siya ang priority ng life ko. Parang natapos na rin yung panahon na paggising mo, ang nasa isip mo, lalaki agad."
PHOTO/S: Instagram

Tumangging magbigay ng komento ni Angelica Panganiban tungkol sa pakiusap ni Carlo Aquino sa netizens na huwag i-bash ang rumored girlfriend ngayon ng aktor na si Trina Candaza.

Sina Angelica at Carlo ay dating magkarelasyon.

Ayon sa Kapamilya actress, hindi na bahagi ng kanyang buhay si Carlo kaya wala siyang update sa mga nangyayari sa buhay nito.

“Wala, hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon.

“Hindi kasi kami nag-uusap kaya wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya,” pahayag ni Angelica.

Bukas ba siyang makipag-usap kay Carlo sakaling bigla itong tumawag o mag-text sa kanya para ayusin ang hindi nila pagkakaintindihan?

“Matagal ko nang hinintay yung explanation niya. Sana matagal na niyang ginawa,” makahulugang sagot ng 32-year-old actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angelica sa contract signing niya sa Kapamilya network, na ginanap sa Chronicle Room sa 9501 restaurant ng ELJ Building, ABS-CBN Compound, noong Lunes, June 10.

Continue reading below ↓

I MISS YOU

Kamakailan ay nag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng “I miss you,” kaya inakala ng ilang netizens na baka may bago nang nagpapatibok sa puso ng Kapamilya actress.

Nang tanungin tungkol dito si Angelica, umiwas siyang ibigay ang identity ng pinatutungkulan niya.

“No, kasi kung gusto kong pag-usapan, sana sinabi ko na dun, di ba? Saka di ninyo siya kilala.

“Okay na ako sa ganun, yung may nagpapakilig sa iyo.

“Ayoko talaga, ayoko mag-boyfriend,” giit niya.

Bukas naman daw si Angelica sa pakikipag-date, pero wala sa isip nito ang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon at magka-boyfriend.

Paliwanag niya, “Matagal na naman akong nakikipag-date, wala lang tumatagal.

“Bakit, trial and error yun, e? Nag-e-entertain naman ako, matagal na.

“Boyfriend? Parang hindi na ako interesado, hindi na kasi siya ang priority ng life ko.

“Parang natapos na rin yung panahon na paggising mo, ang nasa isip mo, lalaki agad.

Continue reading below ↓

“Wala, hindi ko na hinahanap, hindi ko na kailangan.

“Someday, but not soon. Ayoko talaga.”

Dagdag ni Angelica, “Masarap i-enjoy yung relationship with yourself, lalo na pag na-discover mo kung ano talaga ang gusto mo, kung saan ka sasaya.

“Dun papasok na hindi mo pala talaga kailangan ng ibang tao para lumigaya ka.”

TRAVELLING ALONE

Madalas ding mag-out of the country si Angelica kung saan ay solo siyang umaalis ng bansa.

Sabi niya tungkol dito, “Siyempre masaya, nakapagpahinga. Nakapag-spend time with family, with yourself.

“May mga nakikilala kang bagong tao, nagkakaroon ka ng mga bagong kaibigan, so masaya.”

Para sa aktres, iba ang karanasan na natututunan niya sa pagbibiyaheng mag-isa.

“Yes, hindi pa ba ninyo nae-experience? Ang sarap!

“Yun ang the best kasi walang nambubuwisit sa iyo, wala kang iisipin na, ‘Naku, yung gamit ba ni ganito, ganyan…’

Continue reading below ↓

“Kahit mga kaibigan mo ang kasama mo, minsan stressful.

“Pero pag mag-isa ka, mas masaya, kasi nga sarili mo lang talaga ang inaalagaan mo, mas nakikilala mo ang sarili mo.

“Pag nagta-travel ka, nakikilala mo yung friend mo.

“Mag-travel kang mag-isa, nakikilala mo lalo ang sarili mo.”

Continue reading below ↓

Nung unang pagbibiyahe mag-isa ay may kabang naramdaman si Angelica, pero kalaunan ay nawala raw ito.

“Hindi, nung unang attempts ko, siyempre nakakatakot, nakakakaba, nakakapraning.

“‘Tapos, alam mo na pag niloloko ka ng driver mo, ng taxi, ‘Ay, alam ko ito, e.’ Matututo ka naman, e.”

Sa susunod ba niyang biyahe ay gusto ni Angelica na may kasama na siyang boyfriend?

“Exciting yun, pero hindi ko siya gustong mangyari ngayon,” sagot niya.

Marami pa raw mga lugar na gustong puntahan ni Angelica.

“Maraming-marami pa, pa-South America, gusto kong bumalik ng Europe...

“Maraming-maraming-marami pa!” excited niyang sabi.

TWENTY-SIX YEARS AS A KAPAMILYA

Isa si Angelica sa homegrown talents ng ABS-CB, kung saan lumaki at nagdalaga ang aktres.

Labis ang pasasalamat niya sa pagtitiwalang ibinigay muli sa kanya ng network.

Continue reading below ↓

“Masayang-masaya alangan namang malungkot ako. Parang di maganda yung answer na sad so masaya.

“Twenty-six years. Siyempre nag-grow na talaga bilang pamilya yung relationship.

“Totoo naman talaga yung sinabi nila na Kapamilya ka talaga, na pamilya yung naramdaman mo.

“Hindi na sila ibang tao sa iyo kasi parang mga nanay mo na sila, mga tatay mo na talaga sila, nakita ka nila simula bata ka.

“Sila ang takbuhan mo, never sila na may ginawa para masaktan ka or mapariwara ka.

“Para talagang maayos na maayos na moral compass, na guidance yung naibigay sa akin.”

Ano ang mga naka-lineup na projects para sa kanya?

“May mga pelikula, di ko muna, para surprise yung mga projects na paparating.

“Very exciting saka makabuluhan,” sabi ni Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on having a boyfriend: "Parang hindi na ako interesado, hindi na kasi siya ang priority ng life ko. Parang natapos na rin yung panahon na paggising mo, ang nasa isip mo, lalaki agad."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results