Janelle Manahan "very disappointed" by court decision in Ramgen Revilla murder case

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2019
Janelle Manahan on court decision absolving RJ Bautista, 5 others in the murder of her late boyfriend Ram Revilla: "I am not convicting them and did not convict them, but all evidences were pointing toward them. Some even admitted they are guilty. Paano nangyari 'to?"
PHOTO/S: Arniel Serato / File

Dismayadung-dismayado si Janelle Manahan sa naging desisyon ng Parañaque Regional Trial Court Branch 274 na ipawalang-sala si Ramon Joseph “RJ” Bautista at lima pang akusado sa murder case ni Ramgen Revilla.

"Not guilty" rin ang hatol ng korte sa frustrated murder case na isinampa ni Janelle laban sa mga akusado.

Si RJ ang primary suspect sa pagpatay sa sariling kapatid na si Ramgen noong October 28, 2011.

Nang mangyari ang krimen ay kasama ni Ramgen si Janella, na nagtamo rin ng tama ng baril sa mukha at balikat.

Base sa 144-pahinang desisyon ng korte na inilabas ngayong Biyernes, June 14, kulang ang ebidensiyang iprinisinta ng prosekusyon laban kay RJ at mga kapwa-akusado nitong sina Michael Jay Narta, Roy Francis Tolisora, Galiza Visda, Jan Norwin dela Cruz, at Ryan Pastera.

Dahil dito, pinawalang-sala ng korte ang mga akusado.

Malaya na rin ang mga akusado pagkatapos ng halos walong taong pagkakakulong.

Ang desisyon ay pirmado ni Parañaque-RTC Branch 274 Acting Presiding Judge Betlee-Ian J. Barraquias.

Continue reading below ↓

JANELLE MANAHAN: I AM VERY DISAPPOINTED

Sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Janelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, ibinahagi niya ang labis na pagkadismaya sa naging desisyon ng korte.

Bagamat hindi na raw siya nasorpresa, inamin ng dating aktres na na-disappoint siya dahil pagkatapos ng halos isang dekadang paghihintay, ganito lamang ang matatanggap nilang hatol mula sa hukuman.

Himutok ni Janelle: “I can't say I am surprised... with the kind of justice system that we have in this country.

“But I am very disappointed.

"I waited so long, almost a decade, only to receive this news."

Dagdag niya: “I am not convicting them and did not convict them, but all evidences were pointing toward them.

“Some even admitted they are guilty.

"Paano nangyari 'to?! Hindi ko talaga alam.

"Nagkulang ba ako? Hindi ko alam.”

Bad timing din daw ang paglabas ng desisyon ng korte dahil kamamatay lang ng kanyang lola.

Continue reading below ↓

Nababahala rin daw si Janelle sa kanyang kaligtasan ngayong iniutos ng korte na palayain na si RJ at iba pa mula sa piitan.

"Sobrang bad timing pa dahil kakamatay lang ng lola ko...

"God is our ultimate judge, ipagpapasa-Dios ko na lang sila.

"But I am worried for my safety," pahayag ni Janelle.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Manahan on court decision absolving RJ Bautista, 5 others in the murder of her late boyfriend Ram Revilla: "I am not convicting them and did not convict them, but all evidences were pointing toward them. Some even admitted they are guilty. Paano nangyari 'to?"
PHOTO/S: Arniel Serato / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results