Max Collins saddened by news about ABS-CBN's franchise renewal freeze

by Rommel Gonzales
Jun 16, 2019
Max Collins feels for her former Kapamilya colleagues who might lose their jobs as a result of the network's franchise renewal freeze: “It’s sad for everybody na mawawalan ng trabaho, kung totoo man."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hiningan namin ng opinyon si Max Collins tungkol sa isyu ng diumano’y pagsasara ng ABS-CBN, dahil sa lumabas na balita kamakailan tungkol sa pagpapaliban ng House of Representatives sa pagsasabatas ng franchise renewal ng Kapamilya network.

Dating Kapamilya si Max tulad ng leading man niya sa Bihag na si Jason Abalos.

Sabi ni Max, “Si Sophie rin, ka-batch ko siya.”

Ka-batch din pala ni Max sa Star Magic si Sophie Albert na co-star rin nina Max at Jason sa Bihag.

Parehong galing sa Batch 15 (2006) ng Star Magic sina Max at Sophie, pati na rin sina Jessy Mendiola at Bela Padilla, among others.

Lahad niya, “It’s sad for everybody na mawawalan ng trabaho, kung totoo man.

“Kung totoo man, maraming artistang mawawalan ng trabaho.

“Hindi lang artista, di ba?

“Pati na rin staff, empleyado...

“Sad, sad.”

Pagpapatuloy pa ni Max, “I bet, siguro naman... I mean, may iba pang mag-o-open na opportunities para sa mga tao, di ba?”

Continue reading below ↓

COUPLE FITNESS GOALS

Parehong maganda ang katawan nina Max Collins at Pancho Magno kaya tinanong namin si Max kung sabay silang mag-workout ng kanyang mister.

Sabi niya, “Hindi po, kasi matindi ang workout nun!

“Ako mas mahilig ako mag-class, parang Yoga class o spinning class, or Pilates.

“Siya kasi gusto niya siya lang mag-isa.

“Yung hilig ko ngayon, spinning talaga.”

Ang spinning class ay more on exercise bikes.

SYNCHING SKEDS

First time naman na pareho silang may teleserye ni Pancho.

“At magkasunod pa!

“First time, kasi laging one or the other—either ako nagte-taping, 'tapos pag tapos na yung show ko, tsaka siya nagsisimula.

“First time na sabay kaming nagte-taping.

“Kaya lang different days, so siya naman MWF kami T-Th-S.

“So nagkikita lang kami pag pauwi na, or paalis na.

“Okay lang para mami-miss namin ang isa’t isa,” pahayag niya.

Continue reading below ↓

Female lead si Max sa Bihag bilang si Jessie samantalang isa sa male lead stars si Pancho sa Dahil Sa Pag-ibig bilang si Gary.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa taping ng Bihag nitong Martes, May 28, sa Marina-Iloilo, Oysters and Seafood restaurant sa Quezon City.

NEW HOUSE

Nakalipat na sila ni Pancho sa bago nilang bahay.

Dahil naghahanda na sila sa paglaki ng kanilang pamilya sakaling mabuntis na si Max, sa isang mas malaking bahay na sila nakatira: a three-bedroom, two-garage house.

Saad niya, “Two days ago, pine-paint na namin yung bahay.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins feels for her former Kapamilya colleagues who might lose their jobs as a result of the network's franchise renewal freeze: “It’s sad for everybody na mawawalan ng trabaho, kung totoo man."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results