Kyline Alcantara clarifies lesbian rumor

by Glenn Regondola
Jun 19, 2019
Kapuso young actress Kyline Alcantara clarifies that she's just boyish, not a lesbian.
PHOTO/S: Noel Orsal

Natatawang itinanggi ni Kyline Alcantara na siya ay isang tomboy dahil sa pagiging mas malapit niya sa mga lalaki kaysa sa mga babae.

Pero aminado ang Kapuso young actress na sa kanyang buong buhay ay puro lalaki ang nasa paligid niya.

Sa pamilya nila, nag-iisang babae si Kyline at may dalawa siyang kapatid na lalaking mas matanda sa kanya. Close din siya sa kanyang ama na si Butch Manga.

Kahit sa showbiz, mas maraming ka-close si Kyline na artistang lalaki dahilan upang biruin siya kung siya ay may pusong lalaki.

Sabi ng 16-year-old young singer-actress, “Tomboy po ako? Boyish po ako!

"Hindi po ako ganito," sabay tingin sa damit na babaeng-babae ang dating.

“There’s nothing wrong about being feminine or boyish, or let boys be feminine, and girls be masculine.

“Kumbaga, just an expression for me.”

DREAM OF BECOMING A SOLDIER

Inamin din ni Kyline na pinangarap niyang maging isang sundalo.

Continue reading below ↓

Aniya, “Gusto ko talagang maging soldier. Gusto ko po talaga.

“Kaya kapag may napapa-picture po sa akin na Army natin sa Philippines, sinasabi ko talaga na gusto kong maging kayo.

“Kasi nga po, all my life, puro lalaki ang... kumbaga, yung pinapanood namin na baril-barilan.

“Before nga po nung nasa area namin, hindi po ako sumasali sa mga Barbie-barbihan ng mga babae, sumasali po ako sa mga habulan.

“Hindi po ako nagtsa-Chinese garter dahil pambabae po yun.

“So, yeah, boyish po ako.”

Hanggang ngayon ay wala pa raw naging manliligaw si Kyline.

Deklara niya, “Hindi pa po. Hindi pa ako naliligawan.

“Naligaw po ako. Ha! Ha! Ha!

“Siguro dahil guarded po ako, kahit nung bata pa ako.

“Lagi ko pong kasama ang mom [Weng Alcantara] at daddy ko po.”

STARSTRUCK INSIDER

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa mediacon ng StaStruck Season 7 na ginanap sa GMA Studio 7, noong June 10.

Continue reading below ↓

Si Kyline ay ang tumatayong StarStruck Insider ng nasabing reality-based artista search, kasama ang hosts na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, at council members na sina Cherie Gil, Heart Evangelista, at Jose Manalo.

Ipinagmalaki ni Kyline ang kanyang participation sa StarStruck 7.

Saad niya, “Actually, yung behind the scenes.

“Yung pagri-ready ng mga StarStruck hopefuls.

“Malay niyo, may magka-loving loving. Yung mga ganun.

“Like, I’m observing them.”

May bets na ba siya sa Top 14?

“Sa bets, for now, in terms of looks, yes!

“A lot of them magaganda sila, mga guwapo, a lot of personality. Check sila.

“But in terms of character, well, wala pa, kasi dalawang beses pa lang kami nagkikita-kita.”

Ang StarStruck 7 ay nagsimula nang umere sa GMA Network noong Sabado, June 15.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso young actress Kyline Alcantara clarifies that she's just boyish, not a lesbian.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results