Surfer Philmar Alipayo recalls feeling scared before meeting Andi Eigenmann's mom

by Rachelle Siazon
Jun 19, 2019
Philmar Alipayo recalls having bad dreams about how his first meeting with Andi Eigenmann's mom Jaclyn Jose would turn out.
PHOTO/S: Nice Print Photo via @andieigengirl Instagram

Inamin ng surfer na si Philmar Alipayo na nakaramdam siya ng takot nang dumating ang panahong ipakikilala na siya ng girlfriend niyang si Andi Eigenmann sa ina nitong si Jaclyn Jose.

Sa sobrang kaba raw niya, ilang araw bago sila magkakilala ay napanaginipan pa ni Philmar si Jaclyn, na kilala sa mga palaban at mataray nitong roles sa telebisyon at pelikula.

"Sobrang kaba," pag-amin ni Philmar na napahawak pa sa kanyang dibdib.

"Minsan nga napapanaginipan ko, e. Bago ko nakilala yung mommy niya."

Paglalarawan pa ni Philmar sa eksena na nasa panaginip niya ang beteranang aktres, "Nagagalit sa akin, iiyak ako."

Hanggang sa dumating daw ang araw na personal na niyang nakilala si Jaclyn ay kabado pa rin si Philmar.

"Nung nagkita kami, una, takot muna ako.

"Pero nung pangalawang pagkikita namin, okey na ako," nangingiting kuwento ng surfer boyfriend ni Andi.

Sabay singit ni Andi, "Kasi mabait naman yung nanay ko. Mukha lang siyang masungit, pero super-bait ng mom ko."

Continue reading below ↓

Nakapanayam sina Andi at Philmar sa June 16 episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

HOW ANDI EIGENMANN MET PHILMAR ALIPAYO

Dito ay ikinuwento rin ni Andi kung paano sila nagkakilala ni Philmar sa Siargao.

Bago iyon ay matagal na raw "fan" si Andi ng surfing kaya nanonood talaga siya ng local and international surfing competitions.

Si Philmar ay nasa ika-anim ang ranking sa Men's Shortboard Division ng Philippine Surfing Championship Tour (PSCT), isang professional surfing tournament sa bansa.

Siya rin ang kauna-unahang champion ng PSCT nang manalo siya sa 19th Siargao National Surfing Cup, noong 2017.

"So nung nakilala ko siya sa Siargao, nagpa-picture ako sa kanya.

"Ta's eventually since maliliit lang yung community dun, ta's magbabarkada-barkada din kami, both people from abroad at saka mga taga-Manila, naging magkaibigan din kami."

Hanggang sa naging magkarelasyon sila noong July 2018.

Dagdag ni Philmar, kaya raw noong umpisa ay "lodi" ang tawagan nila ni Andi bago naging "mahal ko."

Continue reading below ↓

ANDI AND PHILMAR'S BABY GIRL

Kasalukuyang nagpapagawa ng kanilang bahay sina Andi at Philmar sa Siargao.

Magsisilbi rin itong bed and breakfast, at plano raw ni Andi na mga pamilya rin gaya nila ang maging customers nila roon.

Pero base sa Instagram posts ni Andi, mula noong siya ay 32 weeks pregnant noong June 3 ay pumirmi muna siya sa Manila.

Kasa-kasama ng aktres ang anak sa ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito na si Ellie, 7.

Dito sa Manila planong isilang ni Andi ang baby girl nila ni Philmar.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philmar Alipayo recalls having bad dreams about how his first meeting with Andi Eigenmann's mom Jaclyn Jose would turn out.
PHOTO/S: Nice Print Photo via @andieigengirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results