Eddie Garcia painfully recalled losing his wife, 2 children

by Jerry Olea
Jun 20, 2019
Eddie Garcia on preparing for his death: "I already paid for my cremation. Binayaran ko na."
PHOTO/S: File

Pinagkalooban si Eddie Garcia ng Lifetime Achievement Award sa awards night ng Singkuwento 2019 filmfest noong Pebrero 22 sa NCCA Theater, Intramuros, Manila.

Ipinalabas doon ang excerpts ng panayam ni Ces Oreña-Drilon kay Manoy (taguri kay Tito Eddie) sa Pipol on ANC anim na taon na ang nakalipas.

Inusisa si Manoy tungkol sa panganay niyang anak na namatay sa motorcycle accident noong 1971.

“My son who died was starring, he appeared in two films before, one with Nora [Aunor] and one with Vilma [Santos], the one who had a motorcycle accident,” matamang sambit ni Eddie.

Ang asawa ni Eddie ay namatay naman sa kanser noong 1995.

Ano ang impact niyon sa kanya?

“Well, that is inevitable. So, you have to live it.”

Dalawang anak ang nauna sa kanya...

“My son and a daughter... My son was 22, motorcycle accident.

"And my youngest daughter was 39, and she had a heart attack."

Continue reading below ↓

Napakasakit para sa isang magulang na mamatayan ng anak. Paano niya ito tinanggap?

Napabuntong-hininga si Manoy, “Well, life must go on,” mapait niyang pagngiti.

EDDIE GARCIA HAD PAID FOR HIS CREMATION

Marami sa kasabayan niya sa local entertainment industry ay matagal nang pumanaw.

Kaswal na sambit ni Manoy, “Well, like they say... when you gotta go, you better go.”

Kumbaga, nasa dapithapon na ang kanyang buhay?

“Yeah, like me, I don’t know, one of these days, I might kick the bucket,” pagkibit-balikat ni Eddie.

OK lang? Handa na siya?

“Yeah,” mabilis na tugon ng beteranong aktor. Handa na siyang harapin ang Lumikha sa kanya?

“I already paid for my cremation. Binayaran ko na,” matatas na lahad ni Eddie.

“My helicopter pilot-friend will pick up the ashes from the crematory and spread sa Manila Bay.”

Talaga? Bakit gusto niyang ganoon?

Continue reading below ↓

“Para pag namasyal ka sa Roxas Boulevard, ‘Baka multuhin tayo ni Eddie rito!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Eddie.

“And I want to spread on a beautiful sunset.”

Sa pintuan ng langit, sakaling tanungin siya kung ano ang ginawa niya sa lupa para maging karapat-dapat pumasok, ano ang isasagot niya?

“Wala naman akong inagrabyado. Ginawa ko kung ano ang nararapat gawin nang matuwid.

“Wala akong inapi.

“So, bahala ka na kung papapasukin ako o hindi. Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak muli ni Eddie.

Pumanaw si Eddie Garcia nitong June 20, Huwebes, halos dalawang linggo pagkatapos niyang maakasidente sa taping ng upcoming Kapuso teleserye na Rosang Agimat.

Read Next
Read More Stories About
Eddie Garcia
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia on preparing for his death: "I already paid for my cremation. Binayaran ko na."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results