Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez complain about water interruptions, higher taxes

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2019
Actor Robin Padilla and hosts Mariel Rodriguez and Bianca Gonzalez rant about problem in delivery of basic services, such as water supply, despite higher taxes.
PHOTO/S: Noel Orsal / @marieltpadilla and @iamsuperbianca on Instagram

Naglabas ng hinaing si Robin Padilla hinggil sa bagong water interruptions na kasalukuyang nangyayari sa kalakhang Metro Manila at karatig-lugar.

Nitong Miyerkules, naglabas ng anunsiyo ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water na mag-i-implement muli sila ng water interruptions dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam.

Sa inilabas na schedule, inaasahang tatagal ng walo hanggang 15 oras ang water interruptions sa mga lugar sa Metro Manila at pati na rin sa ilang lugar sa Cavite.

Sa mahabang post ng action star sa Instagram nitong June 19, Miyerkules, binatikos ni Robin ang mga opisyal ng gobyerno dahil sa kabiguan ng mga itong maibigay ang basic services, gaya ng tubig, sa mga Pilipino.

Nagreklamo rin si Robin dahil sa kabila ng pagbabayad ng mataas na buwis, hindi raw maayos ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga taxpayer.

Kinatigan naman siya ng asawang si Mariel Rodriguez at ng host na si Bianca Gonzalez.

Continue reading below ↓

ROBIN PADILLA LAMBASTS POLITICIANS

Banat ni Robin sa mga pulitiko, bago nila talakayin ang ibang problema, gaya ng “geopolitics,” asikasuhin muna nila ang pagbibigay ng basic services sa mga mamamayan.

Ang parunggit ng aktor ay may kinalaman sa nangyayaring diskusyon sa pagbangga ng Chinese vessel sa Philippine boat sakay ang 22 mangingisda noong June 9.

Patutsada ni Robin, “kayo lang ang magiginhawa ang buhay! kami ang taas ng mga tax namin binabayaran ni tubig sa gripo wala kami! Mahiya naman kayo!

“Kung makapaghamon kyo sa China akala mo ang ginhawa ng buhay ng mga Pilipino. Ayosin niyo muna ang domestic threat sa Mainland Philippines bago kayo magpakamatalino at sumigaw ng foreign threat!”

Sabi pa ng aktor, “Ang pagtuunan ninyo ng pansin at mga talino ninyo ay ang korupsyon sa gobyerno at poltical gangsters.

“Parang sa isang bahay lang yan ayosin niyo ang pangangailangan ng kusina natin bago kayo maghanap ng away sa kalsada para kayong mga istambay ang tatapang sa kanto pero pagdating sa sariling tahanan wala naman maitulong kundi reklamo at paandar.

Continue reading below ↓

“Anak ng Matsing Gumawa naman kayo na mararamdaman namin ang ginhawa.

“Pls deliver public service not politicking ang layo pa ng eleksyon kakatapos lang ng kampanya andyan pa rin kayo!”

Hinamon din ni Robin ang mga pulitikong nagre-react sa isyu ng Chinese vessel at 22 Filipino fishermen na ibenta ang kanilang mga ari-arian at tulungan ang mga mangingisda.

Hinamon din niya ang mga ito na mauna na silang lumusob sa China.

Pagtatapos ng aktor sa kanyang post: “Pls we need water on our faucets! NOW!”

Continue reading below ↓

MARIEL PADILLA AND BIANCA GONZALEZ REACT

Himutok naman ni Mariel Rodriguez, ang laki ng binabayaran niyang buwis pero hindi pa rin nasosolusyunan ang problema sa tubig.

Hinaing ng It's Showtime host, “Ang sakit sa loob na akala ko mayaman na ako tapos dumating yung bayaran ng tax tapos nag bayad ako ng tax na para sa akin ay MALAKI tapos walang tubig sa bahay tapos may tax ulit na june 20 and June 28 na due ano yun????

“Di pa ako nakaka recover dun sa malaki ko na binayaran meron na ulit????? Tapos wala tayong tubig?!?!?!?!?!?”

Sumagot naman si Bianca sa komento ni Mariel.

Sumang-ayon ang ABS-CBN host sa “hassle” na dulot ng water interruptions at mataas na buwis.

Continue reading below ↓

Muli ring nagkomento si Robin na sinabing naaawa siya sa kanyang asawa na naglalaba sa garahe at nag-iigib ng tubig.

Kasalukuyang nasa Australia si Robin dahil dumalo sa graduation ng kanyang anak na si Zhen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Robin Padilla and hosts Mariel Rodriguez and Bianca Gonzalez rant about problem in delivery of basic services, such as water supply, despite higher taxes.
PHOTO/S: Noel Orsal / @marieltpadilla and @iamsuperbianca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results