Maayos na nagpaalam si Jon Lucas sa Star Magic at sa ABS-CBN, na naging home network niya sa loob ng anim na taon.
Sa kanyang Instagram post kahapon, June 19, pinasalamatan ni Jon ang istasyong humubog sa kanya kung anuman siya ngayon.
Bahagi ng post ni Jon: “Thank you for the wonderful 6 years you've given me!
"I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family!
"Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin.
"Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao.
"Mga Oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon."
JON LUCAS ANSWERS BASHERS
Kaugnay ng balita tungkol sa pag-alis ni Jon sa ABS-CBN, may ilang netizens ang nagpakawala ng masasakit na salita laban sa aktor sa ABS-CBN News Facebook page.
Inakusahan ng mga ito si Jon ng "walang utang na loob" at ang iba naman ay tinanong kung sino siya.
Narito ang ilang mga komento ng netizens:
Pero, cool lamang si Jon sa mga ito.
Sabi niya sa kanyang sagot sa bashers: "Thank you so much ABS-CBN News !! !!
"Sa mga hate comments dito na wala namang alam salamat po sainyo [smile emoji] sa mga nagsasabing hindi loyal salamat din sainyo.
"Totoo nga na ang mga pinoy kahit hindi pa alam ang tungkol sa isang tao eh manghuhusga na agad, basta makapagsabi lang ng masasakit na salita okay na sila sa buong araw. [happycry emoji]
"LOVE YOU ALL!!"
Sa kabilang banda, may mga nakisimpatiya rin kay Jon sa kanyang naging desisyon dahil kailangan nga naman nito ng trabaho ngayong pamilyadong tao na siya.
Umamin si Jon na may asawa't anak na siya noong July 2018.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya na-suspend indefinitely sa It’s Showtime bilang member ng Hashtags.
Ngayong araw, June 20, inanunsiyo ng GMA-7 na kasama si Jon sa gagawing Pinoy adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun.