GMA-7 issues official statement on Eddie Garcia's passing

by Rachelle Siazon
Jun 20, 2019
An excerpt from GMA-7's statement on Eddie Garcia's passing: "An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry."
PHOTO/S: Jerry Olea

Lubos na nakikiramay ang pamunuan ng GMA Network sa pagpanaw ng legendary actor at director na si Eddie Garcia.

Ngayong Huwebes ng hapon, June 20, pumanaw si Eddie 12 araw mula nang ma-confine ito sa ospital dahil sa isang aksidente.

Ang kabuuang pahayag ng GMA-7:

"'Manoy,' as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

"An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry.

"He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

"The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing."

Sabado ng umaga, June 8, nang aksidenteng mag-collapse si Eddie habang nagte-taping ng isang action scene para sa Kapuso teleseryeng Rosang Agimat sa Tondo, Manila.

Base sa litrato na kuha ng isang netizen na nakasaksi ng insidente, may walong tao ang umalalay kay Eddie nang ito ay matumba sa gitna ng kalsada.

Continue reading below ↓

Noong araw ring iyon lumabas ang video kung saan makikitang napatid si Eddie sa isang kable na naging sanhi ng pagtumba nito.

Kinabukasan, June 9, kinumpirma ng longtime partner ni Eddie na si Lilibeth Romero na nagkaroon ng fracture sa "base neck c1 and c2" ang beteranong aktor dahil sa aksidente.

Kasabay nito ay nag-isyu rin ang GMA-7 ng official statement na nasa proseso ito ng imbestigasyon upang alamin ang detalye kaugnay ng nangyari kay Eddie sa set ng Rosang Agimat.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from GMA-7's statement on Eddie Garcia's passing: "An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results