Sharon Cuneta, Vice Ganda, Maine Mendoza pay tribute to Eddie Garcia

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2019
A-list stars Vice Ganda, Maine Mendoza, and Sharon Cuneta mourn the passing of legendary actor Eddie Garcia.
PHOTO/S: Allan Sancon / Facebook (Vice Ganda) / Noel Orsal

Maging ang malalaking artista mula sa rival networks ay nakiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng batikang aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Pumanaw si Eddie ngayong June 20, Huwebes, sa edad na 90.

Sa pamamagitan ng social media, nagbigay-pugay ang A-list stars gaya nina Sharon Cuneta, Vice Ganda, at Maine Mendoza sa yumaong veteran actor.

SHARON CUNETA

“My heart is broken…” bahagi ng mensahe ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes.

Nagpasalamat ang singer-actress kay Eddie na tinawag niyang “my Direk, my Tito Eddie…”

Bahagi pa ng mensahe ni Sharon: “It is truly the end of an era.

“Hindi na maaaring ibalik ang napakaganda at kagalang-galang na kagandahan ng showbiz noon...

“Kokonti na lang ang mga artistang 'old school' na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o 'maliliit' ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista.”

Continue reading below ↓

Patuloy ng Megastar: “Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo...

“Mahal na mahal ko po kayo...May you rest in God’s arms and we, those who have had the privilege of working with you, shall remember all that you stand for, and do our best to keep your legacy alive, because you have made us all a part of it…”

Kalakip ng mahabang mensahe niya tungkol sa nag-iisang Eddie Garcia ay isang smiling photo ng award-winning actor at isa sa famous quotes nito, "Do it well, no matter how small."

Continue reading below ↓

VICE GANDA

Isang karangalan naman daw para sa It’s Showtime host na si Vice Ganda na makatrabaho si Eddie.

Gumanap bilang mag-lolo sina Vice at Eddie sa 2011 box-office movie na The Unkabogable Praybeyt Benjamin at sa sequel nitong The Amazing Praybeyt Benjamin noong 2014.

Mensahe ni Vice: “It was an honor to meet you and to have the experience to work with you Tito Eddie Garcia.

“Maraming maraming salamat po sa karanasan, inspirasyon at kabutihan.

“Mahal ka ng apo mong si Praybeyt Benjamin.”

Continue reading below ↓

MAINE MENDOZA

Nakidalamhati rin ang Eat Bulaga! host na si Maine Mendoza sa pagpanaw ng veteran actor.

Sabi pa ni Maine, tila nakiisa rin ang panahon sa pagkawala ni Eddie.

Nitong hapon, ilang sandali matapos maiulat ang pagpanaw ng aktor, bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manilla.

Tweet ni Maine: “Nakakalungkot na balita.. Pati ang langit ay umiiyak sa iyong pagkawala. Rest in peace, Mr. Eddie Garcia. Deepest condolences to his family.”

Continue reading below ↓

ARJO ATAYDE

Tila umakma naman ang Instagram Story na ginawa ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde nitong Miyerkules.

Nag-post si Arjo ng screenshot ng balita tungkol sa pagkakahirang kay Eddie bilang Best Actor sa 42nd Gawad Urian na ginanap nito lamang June 18, Martes.

Nagwagi si Eddie para sa kanyang pagganap sa ML.

Sana raw ay magkatrabaho pa sila ni Eddie.

Caption ni Arjo: “I love you soldier Congratulations! lets work again, please..”

Nagkatrabaho sina Eddie at Arjo sa ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

GABBI, GIL, AND JERIC

Nag-post naman ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Gil Cuerva, at Jeric Gonzalez via social media.

Ang tatlo ay kasama sana ni Eddie sa upcoming GMA-7 teleserye na Rosang Agimat.

Madamdaming post ni Gabbi: “When I heard that I will be working with you for my first solo soap, i was overjoyed. Isa ka po sa mga pinangarap kong makatrabaho. We only saw each other thrice, but yet you gave me advice that I will never forget. Thank you Tito Eddie. Rest well.”

Continue reading below ↓

Nalulungkot din si Jeric na hindi na niya makakatrabaho ang veteran actor.

Tweet niya: “I am one step closer na makatrabaho ka but for now Rest in Peace idol! You’ll be my idol forever Manoy. Saludo sayo isa sa Hari ng Industriya!”

Nakiramay naman si Gil sa pamilya ng yumaong aktor.

Continue reading below ↓

“Rest in Peace, Tito Eddie Garcia. My prayers go out to his family and to everyone affected.”

Sa taping ng Rosang Agimat naaksidente si Eddie noong June 8.

Dahil sa aksidente ay na-comatose ang aktor hanggang sa tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A-list stars Vice Ganda, Maine Mendoza, and Sharon Cuneta mourn the passing of legendary actor Eddie Garcia.
PHOTO/S: Allan Sancon / Facebook (Vice Ganda) / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results