Coco Martin deeply saddened by death of Eddie Garcia

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2019
Coco Martin mourns the death of veteran actor Eddie Garcia. The two worked together in the Kapamilya teleserye FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mr.cocomartin on Instagram

“Hanggang sa muling pagkikita natin Lo…”

Bahagi ito ng madamdaming mensahe ni Coco Martin sa Instagram para sa katrabaho at kaibigang si Eddie Garcia.

Pumanaw ang beteranong aktor ngayong Huwebes ng hapon, June 20, sa edad na 90.

Sina Coco at Eddie ay matagal nagkasama sa ongoing ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pangunahing bida si Coco bilang Cardo Dalisay, habang gumanap na kontrabida si Eddie bilang Don Emilio Syquia/Señor Gustavo Torralba.

Ipinost din ni Coco sa Instagram ang larawan nila ng batikang aktor.

Sa caption, ibinahagi ni Coco ang nararamdaman sa pagpanaw ni Eddie.

Saad niya, “Diko mapaliwanag ang lungkot at sakit na nararamdaman namin ngayon.

"iniisip ko nalang po na ang Diyos ang may kagustuhan ng lahat ng nangyayari para sa atin."

Inalala rin ni Coco, 37, ang hindi malilimutang karanasan kasama si Eddie, na itinuring daw siyang kaibigan kahit malayo ang agwat ng kanilang edad. (Published as is.)

Continue reading below ↓

“Maraming salamat sayo Lo sa lahat ng ating mga kwentuhan at tawanan at sa ating mga masasayang mga oras na magkasama.

“malayo man ang edad natin pero tinanggap mo ako bilang kaibigan mo.

“Hanggang sa muling pagkikita natin Lo mabuhay ka at alam ko nandito kalang sinusubaybayan mo kami.

“hindi namin kakalimutan ang lahat ng mga pangaral mo para sa amin isakang huwaran ng mabuting tao at mahusay na artista at direktor Mahal na mahal ka namin Lo!!! R.I.P”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin mourns the death of veteran actor Eddie Garcia. The two worked together in the Kapamilya teleserye FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mr.cocomartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results