John Lloyd Cruz changes profile pic on Facebook; netizens react

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2019
Netizens abuzz over John Lloyd Cruz's latest profile picture on Facebook. But is this an old photograph?
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Nakaramdam ng pananabik ang netizens at fans ni John Lloyd Cruz matapos mag-post ang aktor sa verified account nito sa Facebook ng kanyang larawan na tila kuha mula sa isang studio photo shoot.

Kagabi, June 20, nag-update ng profile picture si John Lloyd sa Facebook.

Sa larawan, naka-skinhead haircut si John Lloyd, medyo na-trim na rin ang kanyang balbas, at maayos ang kanyang porma.

Continue reading below ↓

Malayung-malayo ito sa mga nag-viral niyang larawan kung saan medyo rugged ang look, balbas-sarado, at mahaba ang buhok ng aktor.

Ibinahagi rin ni John Lloyd ang larawang ito sa kanyang Instagram Stories kagabi rin.

Continue reading below ↓

Hindi tinukoy kung bago o luma na ang nasabing larawan ni John Lloyd.

Ngunit nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph na ang nasabing larawan ng aktor ay noong 2015 pa kinunan, pagkatapos gawin ni John Lloyd ang pelikulang Honor Thy Father.

Ang larawan ay kuha ng sikat na photographer na si Cyrus Panganiban.

NETIZENS REACT

Pero base sa reaksiyon ng netizens, tila marami na ang nakaka-miss sa dating hitsura ni John Lloyd.

Marami rin sa kanila ang naghihintay sa pagbabalik-showbiz ng aktor matapos itong mag-indefinite leave noong 2017.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd-Cruz, Ellen Adarna
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens abuzz over John Lloyd Cruz's latest profile picture on Facebook. But is this an old photograph?
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results