Coco Martin attends Eddie Garcia's first day of wake

by Bernie V. Franco
Jun 21, 2019
Coco Martin is one of the celebrities who attended the first day of Eddie Garcia's wake at The Heritage Park in Taguig City. Coco describes Eddie as serious but pilyo.
PHOTO/S: Noel Orsal / MJ Felipe Twitter

Seryoso pero pilyo.

Ganito inilarawan ni Coco Martin ang katrabaho at kaibigang si Eddie Garcia, 90, na pumanaw nitong June 20, Huwebes ng hapon.

Na-cremate ang mga labi ni Eddie nitong Biyernes ng madaling-araw, June 21.

Ang abo ng beteranong aktor ay kasalukuyang nasa Chapel 3 ng Heritage Memorial Park, sa Taguig City, para sa public viewing.

Sa unang araw ng viewing nitong Biyernes, isa si Coco sa mga artistang unang dumalaw.

Nagkatrabaho ang dalawa sa ongoing ABS-CBN prime-time teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

Matapos ang pagbisita, nakapanayam ng ilang miyembro ng press si Coco.

Kuwento ng Kapamilya actor, marami siyang hindi malilimutang alaala kasama si Eddie bilang kaibigan at bilang alagad ng sining.

“Sabi ko nga, kami lagi magkasama sa lahat ng mga okasyon, e.

“Pag may party, kami lagi magkatabi.

“Sabi ko nga, siya yung drinking buddy ko pagka ano…”

Pagdating daw sa trabaho, seryoso ang seasoned actor pero marunong daw itong makisama.

Continue reading below ↓

“Si Tito Eddie, napaka-serious niya, napaka-professional…

“Pero ano, pilyo.

“Pag biniro mo 'yan, hindi magpapahuli 'yan, kahit bata ka pa.

“Sobrang malalim ang pag-iisip, kahit anong aspeto mo siya kausapin, talagang marami kang matututunan sa kanya,” pahayag ni Coco.

COCO MARTIN'S MESSAGE

Para kay Coco, walang makakapalit kay Eddie na maituturing nang institusyon.

Umabot sa pitong dekada ang pagiging artista ni Eddie at nakagawa ng higit 600 na pelikula.

Malaking karangalan daw para kay Coco na maabutan at makatrabaho ang katulad ni Eddie.

Saad ng Primetime King ng ABS-CBN, “Sobrang mahal na mahal namin siya.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng naiambag niya sa industriyang ito, sa showbiz industry, sa lahat ng mga natutunan namin sa kanya.

“Hinding-hindi namin siya makakalimutan.

“Nag-iisa siya. Nag-iisa ang Eddie Garcia."

Patuloy ni Coco, “Nagpapasalamat nga ako, sabi ko, sa henerasyon ko naabutan ko pa siya.

Continue reading below ↓

“Nagpapasalamat ako sa suportang ibinigay niya sa akin at sa lahat ng taong natulungan niya, hindi lang bilang artista, kundi bilang direktor.”

Ano ang mga natutunan niya kay Eddie?

Sagot ni Coco, “Yung pagmamahal niya sa trabaho niya, yung pagmamahal niya sa industriya, yung pagiging makatao niya sa lahat ng mga katrabaho niya, sa mga staff at ganun din sa kapwa niya artista, at yung sobrang pagmamahal niya sa lahat ng manonood…”

Huwebes ng gabi, June 20, nag-post ng mensahe sa Instagram si Coco para makidalamhati sa pagpanaw ng dating katrabaho.

Sinabi ng 37-anyos na aktor na masuwerte siyang itinuring siyang kaibigan ni Eddie kahit na malayo ang agwat ng kanilang edad.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin is one of the celebrities who attended the first day of Eddie Garcia's wake at The Heritage Park in Taguig City. Coco describes Eddie as serious but pilyo.
PHOTO/S: Noel Orsal / MJ Felipe Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results