Richard Gomez, Lucy Torres happily talk about Juliana-Andres prom date

by Gorgy Rula
Jun 23, 2019
Lucy Torres on daughter Juliana Gomez's prom date with Andres Muhlach: Lucy Torres: "Nag-fantasize pa ako na bagay na bagay sila mag-movie na parang Richard-Dawn."
PHOTO/S: Jerry Olea / Lucy Torres-Gomez

Masayang ikinuwento ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang prom date ng anak nilang si Juliana Gomez at ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Andres Muhlach.

Lahad ng mayor ng Ormoc City na si Richard, “Nag-text si Aga sa akin. Sabi niya, ‘Goms, puwede tumawag? Nakakatuwa lang, may sasabihin ako sa ‘yo.’

“Sabi niya, ‘Si Andres kasi, puwede ba niyang maging prom date si Juliana?’

“Sabi ko, walang problema. Sabi ko, ‘Just tell Andres to call Juliana. Alam naman niya ang number ni Juliana.’”

Nakakatuwa naman ang kuwento ni Lucy nang dumating na ang prom night.

Paglalahad ng representative ng Fourth District ng Leyte, “Aba! Nung day ng prom, ako ang unang bumaba kasi hindi pa tapos si Juliana.

“So, entertain ko muna si Andres.

“Parang pelikula. Nakatalikod siya, e, nasa sofa, ‘tapos tumayo.

Continue reading below ↓

“‘Good evening, Tita…’ Naka-James Bond! Ang guwapu-guwapo!

“Ang sabi ko lang talaga nang nakita ko siya, ‘Andres, ang guwapo mo.’

“Palagi ko siyang nakikita na… alam mo, bata.

“Pero that night, naka-James Bond. Aliw na aliw ako!”

Nakikita raw ni Lucy na maayos ang pagpapalaki nina Aga at Charlene kay Andres.

“He’s very respectful. He was so cute.

“He brought pa ano… nagdala pa siya flowers for me, cookies for Richard. Ang cute.

“Then, nag-fantasize pa ako na bagay na bagay sila mag-movie na parang Richard-Dawn.

“‘Tapos naalala ko, ‘Ay, hindi naman pala sila artista!” natatawang kuwento ni Lucy.

Iyon naman daw talaga ang gusto ni Goma—na maging kaibigan ng anak niya ang mga anak ng mga kaibigan niya, lalo na ang mga kasamahan sa showbiz.

“Sabi ko kay Juliana, may mga friends from showbiz, mga peers na ang mga anak nila, kaibigan mo rin. Nag-enjoy naman sila.

Continue reading below ↓

“Kami naman ni Aga, we’re friends. Dapat ganun.

“Yung rivalry, sa screen lang yun,” nakangiting pahayag ni Richard.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Richard at Lucy sa pagdiriwang ng 3rd Pina Festival sa Ormoc City, Leyte ngayong Linggo, June 23.

PIÑA FESTIVAL IN ORMOC

Si Congresswoman Lucy ang nagpasimuno ng Piña Festival, na lalong pinaganda at pinalaki ni Mayor Richard.

Halos isang buwan ang selebrasyong ito na isasara sa pamamagitan ng Miss Ormoc 2019 at concert ni Bamboo sa June 29.

Nagkaroon ng Street Dance Parade kaninang hapon, June 23, na pinangunahan nina Mayor Goma at Congresswoman Lucy kasama ang iba pang leaders ng Ormoc.

Sumali ang iba’t ibang paaralan sa Street Dance Competition, kung saan ipinakita ng mga taga-Ormoc ang kanilang galing sa pagsasayaw at choreography showcasing their number one product—ang matatamis nilang pinya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lucy Torres on daughter Juliana Gomez's prom date with Andres Muhlach: Lucy Torres: "Nag-fantasize pa ako na bagay na bagay sila mag-movie na parang Richard-Dawn."
PHOTO/S: Jerry Olea / Lucy Torres-Gomez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results