DOLE orders probe on Eddie Garcia on-set accident

by Arniel C. Serato
Jun 24, 2019
Scene at Eddie Garcia's wake at the Heritage Memorial Chapels in Taguig City. The actor was accorded military honors as he once served as Philippine Scout during World War II.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Occupational Safety and Health Center (OSHC) kaugnay ng nangyaring aksidente kay Eddie Garcia sa set ng upcoming teleserye ng GMA-7 na Rosang Agimat noong June 8, 2019.

Ang OSHC ay isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dahil sa aksidenteng nangyari, kung saan napatid diumano ang beteranong aktor sa kable, nagtamo ito ng cervical fracture.

Nalagay sa kritikal na kundisyon at na-comatose si Eddie.

Noong Huwebes, June 20, tuluyan nang binawian ng buhay ang award-winning actor-director sa edad na 90.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, ang OSHC ang nakatoka sa nasabing imbestigasyon.

Saad pa niya sa ulat ng Philippine News Agency noong Sabado, June 22, “It is not the DOLE that will investigate but the Occupational Safety and Health Center, executive director Noel Binag. It's ongoing.”

Inatasan daw niya ang OSHC na alamin kung may “compliance on OSH rules and standards” ang set ng programa ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Need bigyan value workplace ng workers, napakahalaga yun.”

Noong 2018, pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang OSH Law o Republic Act No. 11058, “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations.”

Layunin ng batas na masiguradong ligtas at nasa maayos na kundisyon ang working environment ng lahat ng manggagawa.

NETWORK MAY FACE FINE, SUSPENSION

Sa hiwalay na panayam kay Secretary Bello ng CNN Philippines ngayong araw, June 24, sinabi nitong posibleng magbayad ng multa at maaaring maharap sa “suspension of operations” ang network, depende kung ano ang magiging findings ng imbestigasyon.

Kung may nakitang pagkakamali ang OSHC, maaari silang maghain ng reklamo laban sa istasyon kahit na walang balak ang pamilya ng aktor na magreklamo.

Base sa OSH Law, ang maximum fine per day ay P100K, kasama na rito ang mga pagkakataong may namatay, seryosong pagkasugat o grabeng disgrasya sa lugar ng trabaho.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay OSHC Executive Director Binag, sa mga usaping may "imminent danger" na nagresulta dahil sa kapabayaan ng employers, “authorities can order stoppage of work or suspension of operations.”

Hinahanda na raw ng OSHC ang kanilang full report sa aksidente at maaring makumpleto na ito sa darating na linggo.

Ayon naman sa GMA management, nagsagawa na ang kanilang istasyon ng imbestigasyon sa pangyayari.

Pero hanggang ngayon, wala pang resulta ang kanilang imbestigasyon.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula sa GMA Network kaugnay ng hakbang na ito ng DOLE, ngunit wala pa silang tugon dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Scene at Eddie Garcia's wake at the Heritage Memorial Chapels in Taguig City. The actor was accorded military honors as he once served as Philippine Scout during World War II.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results