Jhong Hilario hopes Eddie Garcia death becomes an eye-opener on actors' safety

by Bernie V. Franco
Jun 24, 2019
Jhong Hilario reveals he almost had a kissing scene with the late Eddie Garcia in a movie.
PHOTO/S: Bernie Franco / Allan Sancon

Umaasa ang actor-politician na si Jhong Hilario na ang pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia ay maging eye-opener para isaalang-alang ang kapakanan ng mga artista sa Pilipinas.

June 8, Sabado, napatid diumano si Eddie sa cable wire ng production habang nagti-taping para sa Rosang Agimat, ang upcoming GMA teleserye na kinabibilangan ng beteranong aktor.

Ang pagkakapatid niyang iyon ang naging dahilan upang magtamo siya ng cervical fracture at ma-comatose.

Tuluyan nang binawian ng buhay si Eddie noong June 20, Huwebes ng hapon.

Sa huling araw ng wake ni Eddie nitong Linggo ng gabi, June 23, isa si Jhong sa mga nagbigay ng eulogy para sa yumaong beteranong aktor.

Nagkasama sina Jhong at Eddie sa ABS-CBN prime-time teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa kanyang speech, inalala ni Jhong ang sobrang paghanga niya sa seasoned actor bilang alagad ng sining at sa husay nito sa pakikisama.

Nakaagaw-pansin naman ang pahayag ni Jhong bago magtapos ang kanyang speech.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Sana itong pagkawala niyo, e, makatulong nang malaki kung ano po ang nararapat sa bawat artistang Pilipino.”

JHONG RECOUNTS EXPERIENCE WITH IDOL EDDIE

Sa kabilang banda, masuwerte raw si Jhong na makaeksena at makatrabaho si Eddie.

“Sabi ko nga, e, hindi ko lang nasabi sa kanya, pero nung nakaeksena ko siya, sabi ko kinilig ako kasi idol na idol ko po ‘yan.

"Kasi bata pa lang ako, talagang pagdating sa pag-acting, siya nga po ang idolo ko,” pahayag ng It's Showtime co-host.

Sa isang awards night, inamin daw ni Jhong kay Eddie na ginagaya niya ito pagdating sa adlib.

“Sabi ko sa kanya, ‘Tito Eddie, aaminin ko po sa inyo, lahat ng adlib ko, sa inyo ko po yun kinukuha.’

"Dahil pagdating po talaga sa adlib, si Tito Eddie, napakadami po talagang baon.”

Ikinuwento rin ni Jhong na dapat ay magkasama sila ni Eddie sa pelikulang Bwakaw (2012), kung saan gumanap na gay si Eddie.

Continue reading below ↓

Sinabihan daw si Jhong ng kanyang manager na magkakaroon sila ng kissing scene ni Eddie.

Pinag-isipan daw ito ni Jhong at pumayag siyang gawin ito dahil idolo niya ang veteran actor.

Pero nagkaroon ng conflict sa schedule at hindi siya natuloy sa pelikula.

Si Rez Cortez ang pumalit sa kanyang role.

Bukod sa pagiging propesyunal sa trabaho, bilib din daw si Jhong kay Eddie sa husay nitong makisama.

“Yung galing po ni Tito Eddie, hindi lang po sa acting ang galing niya po.

“Pagdating sa mga katrabaho, ultimo sa utility hanggang sa mga crew, at hanggang sa mga artista, yung pakikisama, yun po ang mananatili sa amin.

“Yun po ang isang tunay na magaling na artista,” saad ni Jhong.

SHARON CUNETA AND JUDY ANN SANTOS

Nauna nang nagpahayag sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ng kanilang opinyon tungkol sa nangyaring aksidente kay Eddie sa taping ng kinabibilangan nitong teleserye.

Continue reading below ↓

Makahulugan ang mensahe ng Megastar sa kanyang Instagram post noong nakaraang linggo.

Aniya, "HAD THERE BEEN NO NEGLECT OF SAFETY FOR THE ACTORS, HE WOULD HAVE LIVED TO MORE THAN 100…!!!

Hindi nagtagal ay binura ni Sharon ang kanyang Instagram post at in-edit ito sa ngalan daw ng “world peace,” na malinaw na indikasyong ayaw niyang pagmulan ng isyu ang kanyang post.

Halos ganito rin ang naging Instagram post ni Judy Ann.

Umaasa ang aktres magsilbing aral ang nangyari kay Eddie upang mabigyan ng “tamang pag aalaga,” ang mga artista at mga production people.

Diin pa ni Judy Ann, “dapat pahalagahan at wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtatrabaho sa produksyon..”

June 10 naglabas ng official statement ang GMA Network at sinabing nagsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa kawalan ng medical team sa set nang mangyari ang aksidente ni Eddie.

Hinihintay pa ang paglabas ng resulta ng imbestigasyon ng Kapuso network tungkol sa insidente.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario reveals he almost had a kissing scene with the late Eddie Garcia in a movie.
PHOTO/S: Bernie Franco / Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results