Derek Ramsay cries foul over verbal-abuse allegation

by Bernie V. Franco
Jun 25, 2019
Derek Ramsay responds to netizen who accused him of verbally abusing his househelp: "She can say whatever she wants about me being a womanizer, but cursing my help in the house is going to[o] far."
PHOTO/S: Noel Orsal

Umalma si Derek Ramsay sa akusasyon ng isang netizen na inaabuso diumano ng aktor ang mga kasambahay nito sa pamamagitan ng paninigaw at pagmumura.

Nagsimula ito noong June 18, nang mag-post si Derek sa Instagram ng quote na linya niya sa pelikulang One More Chance (2006).

Quote ng 42-year-old actor: “Don’t ever think it was a mistake to find yourself—that you chose to love yourself a little bit more.”

Sa comments section, isang netizen (@whatwomenwant000) ang tumawag sa aktor ng “LAOS.”

Buong komento ng netizen: “LAOS ka na kasi derek. Tanggapin mo nalang kasi wala ka na mapupuntahan kundi sa GMA7. mic drop”

Sa una ay pagtawa ang sagot ng aktor.

Pero sa sumunod niyang komento, nagpahiwatig si Derek na kilala niya ang netizen na namba-bash sa kanya.

Tila kapitbahay niya ito.

Sabi ni Derek: “see ya around the village dear.”

Continue reading below ↓

DEREK DENIES VERBALLY ABUSING HIS HOUSEHELP

May netizen na nagtanggol kay Derek at sinang-ayunan ang aktor na walang masamang mahalin ang sarili.

Sumagot dito ang basher at sinabing sumobra ang pagmamahal ni Derek sa sarili kaya “walang maibibigay sa iba.”

Paninira pa niya kay Derek, huwag daw magpaloko sa hitsura at pagiging mabait ng aktor.

Continue reading below ↓

Kahit daw ang mga kapitbahay ni Derek ay saksi kung paano raw murahin ng aktor ang kanyang kasambahay.

Komento ng netizen: “Sobrang mahal na nga niya yung sarili niya eh kaya walang maibibigay sa iba. People, don’t get deceived by his looks and pa good person effect. His neighbors can even hear him shout cursing people in his house.”

Continue reading below ↓

Kinontra ni Derek ang akusasyon at binalaan ang netizen na mag-ingat sa mga paratang nito.

Binatikos din niya ang netizen na ipinost pa ang kanyang home address.

Sagot ni Derek: “@whatwomenwant000 really?? Cursingbpeople in my house??? You have to be very careful of what you are saying.

"I think i have an idea who you are!

"Look you can say whatever you want but posting my address is just wrong.

"I dare you talk to my help here home and ask them how i am. You are rude and coward.”

Continue reading below ↓

Pinakiusapan din ng aktor ang mga nagtanggol sa kanyang huwag nang bumaba sa level ng basher.

Mensahe ni Derek sa nagtanggol sa kanya: “@tec22j hi!! I appreciate the message but lets not stoop down to this persons level.

"She can say whatever she wants about me being a womanizer but cursing my help in the house is going to far. I love my helpers like family.”

Continue reading below ↓

Muli, nagpahiwatig ni Derek na kilala niya ang basher na tinawag pa niyang “neighbor.”

Komento niya, “@whatwomenwant000 pls drop by and say hello neighbor.”

Nagsimula ang career ni Derek bilang segment host ng Eat Bulaga! noong 2001.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2004 at nanatili roon hanggang 2012.

Inanunsiyo ang kanyang paglipat sa TV5 noong April 2012.

Continue reading below ↓

Nitong April 2019, pumirma ng exclusive contract si Derek sa GMA-7.

Kasalukuyan siyang gumagawa ng teleserye kasama si Andrea Torres, ang The Better Woman, na ipapalabas simula sa July.

Read Next
Read More Stories About
Derek Ramsay, Instagram
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay responds to netizen who accused him of verbally abusing his househelp: "She can say whatever she wants about me being a womanizer, but cursing my help in the house is going to[o] far."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results