Sue Ramirez says she and Loisa Andalio are friends again after past misunderstanding

by Bernie V. Franco
Jun 26, 2019
Sue Ramirez confirms that she and Loisa Andalio have patched things up after having had a rift two years ago. The two actresses had a falling-out because they both got romantically linked to Ronnie Alonte.
PHOTO/S: Noel Orsal / @iamandalioloisa on Instagram

Tiniyak ni Sue Ramirez na naibalik nila ni Loisa Andalio ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa press conference ng upcoming concert ni Sue na Rock Chic na ginanap ngayong June 26, Miyerkules, tinanong si Sue kung bakit wala sa roster of guests niya si Loisa, gayong kasama sina Kristel Fulgar at Maris Racal.

Matatandaang magkakasama sa concert na 4 of A Kind sina Sue, Maris, Kristel, at Loisa noong July 2017.

“Of course, dito sa concert limited yung kailangan namin na guest, kasi hindi naman puwede na pito yung guest ko,” paliwanag ni Sue.

Sabi ng aktres, malalapit na kaibigan talaga niya ang magiging guest sa kanyang concert.

“Siguro level of closeness din.

“Of course, you also know that Loisa and I have been estranged for quite some time, but everything is okay now.

“It doesn’t mean hindi kami okay dahil hindi siya guest sa concert ko,” paliwanag ng aktres.

Continue reading below ↓

Ani Sue, sinubukan niyang i-suggest na isama si Loisa pero hindi na raw siya naipasok.

ON CHOOSING HER SPECIAL GUESTS

Dalawang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng tampuhan sina Sue at Loisa.

Lumabas ang balitang in-unfollow ni Loisa si Sue sa Instagram dahil may kinalaman ito kay Ronnie Alonte na parehong nali-link sa dalawang aktres noon.

Sa kasalukuyan, magkasintahan na sina Loisa at Ronnie.

Idiniin ni Sue na mas malapit na kaibigan talaga niya sina Kristel at Maris.

“Ang ka-close ko naman talaga si Maris tsaka si Kristel so I really want to keep it a concert that is very close to my heart.

“Si Michael, inaanak ko yung anak ni Michael, so yun nga gusto ko maging personal.”

Ang tinutukoy ni Sue ay si Michael Pangilinan na isa rin sa mga guest niya.

“If ngayon siguro namin pinaplano yung concert, baka naisama ko pa si Loisa sa lineup.”

Continue reading below ↓

SUE BACK ON GOOD TERMS WITH LOISA

Basta ang tiniyak ni Sue ay magkaibigan na silang muli ni Loisa.

“Whatever it was, tapos na and thank God.

“Kasi hindi masarap sa pakiramdam na merong tao sa paligid mo na hindi ka okay, na hindi rin okay sa ‘yo.

“So finally we’ve talked about it and settled our differences and okay na lahat ngayon so I’m happy.”

Biniro pa si Sue kung naka-follow na ba siya uli kay Loisa at si Loisa sa kanya.

“Oo, hindi ko naman siya in-unfollow. Siya lang. Charing. Ha-ha-ha!”

“Pero okay na, finallow na daw niya ako ulit so hindi naman siya malaking bagay. Sa social media lang naman ‘yan, guys.

“Pero if it’s a big thing for everyone to know, yes, nagfa-follow-han na po kami. Okay po?”

Dagdag pa ni Sue, nagkakausap na sila ni Loisa sa social media.

Continue reading below ↓

“Yes, we do. We talk. Nagre-reply kami sa mga stories ng isa’t isa on Instagram and it’s normal… how we were before naibalik namin yung dating kami.”

Samantala, ito ang kauna-unahang solo concert ni Sue para ipalamas niya ang kanyang talento bilang singer.

Hindi alam ng marami, nag-audition noon si Sue bilang singer sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Subalit mas nabigyan siya ng acting projects dahil mas maraming offers sa acting.

Gaganapin ang concert ng dalaga sa Music Museum sa July 19.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez confirms that she and Loisa Andalio have patched things up after having had a rift two years ago. The two actresses had a falling-out because they both got romantically linked to Ronnie Alonte.
PHOTO/S: Noel Orsal / @iamandalioloisa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results