Inamin ni Glaiza de Castro, 31, na naipakilala na siya ng Irish boyfriend niyang si David Rainey, 30, sa buong pamilya nito.
Naganap iyon noon pang February 2019 nang magbakasyon si Glaiza sa England para sa 30th birthday ni David.
“Na-meet ko na yung family niya kasi nung nag-celebrate ng birthday yung twin niya sa England.
"May twin sister siya. It’s a big birthday. 30th birthday nila.
“Supposedly, isu-surprise ko siya. But since I was only given a limited time to be there, sinabi ko na eventually.
“Yung mga pamilya niya talaga, ‘Oh my god, we’re so happy that you’re coming.”
Naging mainit daw ang pagtanggap sa kanya ng mga magulang ni David.
“Oo, sobrang Pinoy talaga yung vibe,” nakangiting kuwento ni Glaiza.
“'Tapos ang konti lang nila talaga. 'Tapos yung buong pamilya niya, parang nasa walo lang, kasi tatlo lang silang magkakapatid.”
Bukas, June 29, ang lipad ni Glaiza patungong London, England kung saan siya ay mag-aaral ng music production and music composition sa London sa loob ng tatlong buwan.
Kung sakali ay may plano rin ba siyang bumisita sa hometown ni David sa Ireland?
“Hopefully, kasi lahat ng kaibigan ko nakita na niya," sagot ni Glaiza.
Patuloy niya, “Lahat ng mga pinupuntahan ko, napuntuhan na niya. Yung environment ko, nakita na niya.
“So sa akin, gusto ko rin makita kung ano yung pinanggalingan niya, kung ano yung kultura niya.
“Mas gusto ko siya makilala through that.”
MEETING HER BOYFRIEND IN LONDON
Sa unang linggo niya sa London, nakatakda raw silang magkita ni David para tulungan siyang asikasuhin ang pansamantalang paninirahan niya roon.
“Hindi rin kami araw-araw na magkikita.
“Magkikita lang kami on the first week kasi wala pa naman akong klase.
“Tutulungan niya ako mag-prepare, tutulungan niya ako sa pagse-setup ng place ko, tutulungan niya ako sa mga gamit ko.”
Dalawang beses kada linggo ang klase ni Glaiza, pero weekends lang daw ang inilalaan niyang free time para sa sarili.
Paliwanag ng Kapuso actress, “Ang itinerary ko naman talaga yung pag-aaral ko. Yun na yung naka-schedule sa akin.
“May induction din kami. Siyempre, I expect may events kami sa school.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza pagkatapos ng presscon ng pelikula niyang My Letters To Happy, sa Woori Jib Korean restaurant sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon, June 28.
HAVING A FOREIGNER BOYFRIEND
Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Glaiza at David.
Bago ba sila nagkakilala ay na-imagine na niya ang sarili na magkaroon ng foreigner boyfriend?
Napapangiting sagot ni Glaiza, “Hindi talaga! Never in my life!
“Pero siguro, unconciously, naa-attract ko yun, kasi ever since mahilig talaga ako sa kakaiba.
“And thankful naman ako na kahit nasa ibang bansa siya galing, yung foundation na hinahanap ko sa kanya—like, yung pagiging family oriented niya, very traditional din kasi siya.”
Masuwerte raw si Glaiza dahil nagswak talaga sila ni David.
“Minsan kasi iniisip natin, very liberated sila, galing sila sa ganitong bansa, iba yung culture…
“Yes, it’s true, different yung culture nila. Pero may certain characteristics or factors na similar din sa atin.
“So may certain kind of familiarity kahit na ibang lugar siya galing.”
CHALLENGES OF A LONG-DISTANCE RELATIONSHIP
Ang tanging pagsubok na nararanasan nila ay ang pagiging malayo sa isa’t isa.
“Minsan nga, honestly, may mga times na dahil napu-frustrate ako siguro or siguro dahil PMS lang, haha, tinatanong ko yung sarili ko, ‘Of all people, bakit siya? Bakit siya pa yung nakilala ko?’
“Na parang yun yung minsan hindi natin nako-control, di ba?
"Yung mga taong pinipili nating mahalin or minahal natin, parang hindi mo ma-explain, e.
“May certain feeling na may mararamdaman ka sa tao na hindi mo mapakawalan, e.
“Regardless of what's happening externally or kung ano man ang iba pang issues sa paligid niyo, malayo ka man, or iba man yung pinanggalingan niyo, nasa showbiz man ako or iba yung industriya na ginagalawan.
“May mga proseso, e, may mga dinadaanan na paraan para somehow mag-meet at maging seamless.”
APPROVAL OF GLAIZA’S PARENTS
Napatunayan din daw ni Glaiza na sincere ang pagmamahal sa kanya ni David nang ito mismo ang nagsabing gusto nito makilala ang mga magulang ng Kapuso actress.
Boto ba ang mommy niya kay David?
Natatawang sagot ni Glaiza, “At first, hindi. Nahihiya ako or kinakabahan ako kung paano ko ipapakilala.
“Na hindi naman kami sanay, ako lalo, na mag-introduce ng isang Irish. ‘Saan galing ‘to?’
“Gusto ko pa itago, e. Hahaha!”
Gaano katagal na sila bago niya ipinakilala si David sa kanyang parents?
Sagot ulit ni Glaiza, “Well, kasi siya yung nag-initiate na ma-meet yung parents ko. Sabi ko, ‘Talaga ba?’”
Noon daw napatunayan ni Glaiza na talagang sincere ang pagmamahal ni David sa kanya.
“Dun mo makikita na, ‘Ay, itong tao na ito, walang itatago.'
"Kahit hindi marunong mag-Tagalog yung tao, nag-exert siya ng best niya to communicate sa family ko.”