Rere Madrid plans to join beauty pageant; wishes to be paired with David Licauco

by Rose Garcia
Jun 29, 2019
StarStruck Final 14 hopeful Rere Madrid, sister of Kapuso actor Ruru Madrid, also have plans of joining beauty pageants.
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @athenahmadrid on Instagram

Si Ruru Madrid ang sinasabing isa sa dahilan kung bakit maingay agad ang pangalan ni Rere Madrid, isa sa mga StarStruck batch 7 hopefuls.

Si Rere ay nakababatang kapatid ni Ruru.

At nababanggit daw ito sa kanya ng co-finalists niya sa tuwing kinakabahan siya.

"Actually, nasasabi po nila yun sa akin, sa mga co-StarStruck ko po. Kabado po talaga ko like may mga events, instead na i-cheer up nila ko, sasabihin ko, 'Kinakabahan ako.' Ang sagot po nila, 'Kapatid mo na si Ruru, kakabahan ka pa.' May mga ganun.

Continue reading below ↓

"Parang iniisip nila siguro na panalo na ako dahil kapatid ko si Ruru."

Si Ruru rin daw ang dahilan kung bakit siya sumali sa StarStruck.

Nung simula, inilihim niya kay Ruru na nag-audition siya.

"Ayoko po kasi na makilala ako ng ibang tao or ninyong lahat na kapatid lang ni Ruru. Yun po talaga ang isa sa dahilan kung bakit ako sumali sa StarStruck.

"Gusto ko po talagang gumawa ng sariling pangalan. Gusto ko pong ipakita sa inyong lahat ang talent ko at isang Rere Madrid na kayang makipagsabayan sa iba at kayang kuhanin kung ano man ang pangarap niya."

Parehong may "advantage and disadvantage" raw ang pagkakaroon ng kuya na isang actor. Ano naman ang sinasabi sa kanya ni Ruru?

Ani Rere, "Sinasabi niya po na ipakita ko lang daw po, i-prove ko raw po sa sarili ko, sa mga nagsasabi na, 'Ay kapatid lang ni Ruru Madrid. Ipakita mo lang sa kanila kung ano ang kaya mo, ipakita mo sa kanila kung ano ka talaga.'"

Continue reading below ↓

Ano pa ang payo sa kanya ng kapatid?

"Mahalin ko raw po kung ano ang pangarap ko. Mahalin ko raw po kung ano ang ginagawa ko," lahad niya.

Positibo at buo ang loob ni Rere nang tanungin ito kung nakikita niya ang sarili na siyang tatanghaling StarStruck Ultimate Female Survivor.

Sambit niya, "Of course, of course. Pero, lahat naman po kami ay may potensiyal. Yun nga po yung kung kinakailangan na maging selfish ako, gagawin ko. Kung kinakailangan na gawin ko lahat ng pinapagawa nila, gagawin ko. Kung kinakailangan na maging selfish ako sa mga bagay na hindi ko ibibigay yung halimbawa, sige, ikaw na dito... hindi, kasi, ito yung pangarap ko. Pinasok ko ito para matupad talaga ang pangarap ko."

DOES RERE MADRID HAVE A BOYFRIEND?

Hindi pa raw nararanasan ni Rere na magkaroon ng boyfriend.

Ang natatawang sabi nito, mahigpit daw ang Kuya Ruru niya, "Sobra, mas mahigpit pa siya sa Daddy ko."

Continue reading below ↓

Labing-walong taong gulang pa lamang si Rere, at kamakailan lang ay nagkaroon ito ng magarbong debut celebration.

Pero ngayon pa lang, buo na rin sa loob niyang pasukin hindi lang ang mundo ng showbiz kung hindi maging beauty pageants, gaya ng Binibining Pilipinas.

"Soon, soon," aniya.

Napanood niya ang nakaraang Binibining Pilipinas. Hindi ba siya natatakot na mangyari sa kanya ang nangyari kay Vicki Rushton, na na-distract during the Q & A portion?


"Siguro tuturuan naman po ako kapag nag-training na ko. The way sumagot, the way magramp."

Katulad ni Ruru, pag-arte rin daw ang masasabing talento ni Rere.

"Siguro po sa ngayon, mas ipinapakita ko ang talent ko, hindi sa pagkanta, hindi rin po sa pagsayaw, more on acting po talaga. Yun po talaga ang panlaban ko.

"Okay na ko na, 'Sige, sa inyo na ang singing, sa inyo na ang dancing, basta ako, focused ako rito sa acting.

"But I’m willing naman po na matuto in terms of singing and dancing."

Continue reading below ↓

May napili na rin si Rere sa mga Kapuso male stars na gusto niyang makapareha kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

"Sa GMA, si David Licauco po," nakangiting sabi niya.

Bakit si David?

"Ewan ko po, parang nakikita ko po ang sarili ko na bagay po kami," natawang sabi pa rin niya.

Hindi pa raw niya ito nakikita sa personal. Crush niya si David?

"Hindi naman po totally crush, siguro ano po kasi, cute siya."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck Final 14 hopeful Rere Madrid, sister of Kapuso actor Ruru Madrid, also have plans of joining beauty pageants.
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @athenahmadrid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results