GMA-7 concludes investigation on Eddie Garcia on-set accident

by Arniel C. Serato
Jul 2, 2019
GMA Network says that they will share the result of the investigation to the public after giving a copy to the family of the late Eddie Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Natapos na ang imbestigasyon ng GMA Network sa aksidenteng nangyari sa yumaong legendary actor at director na si Eddie Garcia.

June 10 nang ianunsiyo ng istasyon na magsasagawa sila ng internal investigation sa kawalan ng medical team sa taping ng Rosang Agimat noong June 8, kung saan naaksidente ang award-winning actor.

Makalipas ang halos isang buwan, sinabi ng GMA manangement na natapos na nila ang kanilang pagsisiyasat sa insidente.

Pero, hiling daw ng pamilya ng namayapang si Eddie na mabigyan muna sila ng kopya ng resulta ng imbestigasyon bago nila ito isapubliko.

Narito ang buong pahayag ng GMA Network:

"GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia.

"The family wishes to be given a copy before we share the report with the public.

"Thank you."

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa spokesperson ng pamilya Garcia na si Dr. Tony Rebosa upang alamin kung may kopya na ang longtime partner ng yumaong aktor na si Lilibeth Romero.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dr. Rebosa, nasa bakasyon pa si Lilibeth.

Maglalabas daw sila ng kanilang pahayag kapag nakabalik na si Lilibeth at nabasa na nila ang resulta ng imbestigasyon ng GMA.

Pumanaw si Eddie noong June 20 sa edad na 90.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Network says that they will share the result of the investigation to the public after giving a copy to the family of the late Eddie Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results