Glaiza de Castro reveals mixed feelings about studying in UK

by Glenn Regondola
Jul 2, 2019
Glaiza de Castro in studying on UK: "I think this is a very personal and precious project to me, and parang sa akin... hindi ko ma-describe, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kasalukuyang nasa United Kingdom si Glaiza de Castro para mag-aral doon ng music production at composition.

Pero isang araw bago lumipad si Glaiza, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng GMA News TV entertainment reporter na si Lhar Santiago sa presscon ng pelikulang My Letters To Happy, sa Woorijib Home of Korean Buffet, sa Quezon City, noong June 28.

Nagbigay ng saloobin ang Kapuso actress tungkol sa kanyang matagal nang planong mag-aral sa ibang bansa.

Pahayag ni Glaiza, “Tinatanong nga nila ako na kung ano ang gagawin after ng London trip.

“After nung mag-decide ka na mag-aral, ano ang gagawin mo even during yung studies?

“Sabi ko naman, hindi naman mahirap, and I think this is a very personal and precious project to me, and parang sa akin... hindi ko ma-describe, e.

“Kagabi bago ako matulog, yung utak ko, parang it’s all over the place.

Continue reading below ↓

“Yung feeling ko of excitement, feeling ko ng uncertainty, yung ‘Shocks, ano ang mangyayari sa akin dun?’

“Yung feeling ko na yung mga iiwan ko dito nang panandalian, pero ipalalabas yung pelikula namin, and siguro it’s my message din to my followers, my fans, my family.

“I’ll still be here, di ako mawawala, na kahit nasa malayo akong lugar, yung presence ko narito pa rin.

“Ganun ang symbolism ko para sa akin.”

Bukod sa mga proyektong natapos na niya sa Pilipinas, excited din si Glaiza sa gagawin niyang projects sa UK habang siya ay nag-aaral.

Aniya, “May guesting ako sa Primadonna, at nagkaipun-ipon lang yung projects ko.

“Of course, excited ako sa projects na magagawa ko hanggang dun ako kasi ako mismo ang gagawa nun.

“Ako mismo ang magki-create nun, ako mismo ang magsi-share nun sa mga tao.

Continue reading below ↓

“Siyempre, bilang mahilig din akong mag-travel, pero ang nilu-look forward ko talaga is to make music.

“Kasi, yun naman ang reason kung ba’t ako umalis, e.”

INDEPENDENT GLAIZA

Bukod sa pag-aaral, ang isa pang ikinasasaya ni Glaiza ay yung independence na mararanasan niya roon.

Masyadong malapit ang pamilya niya sa isa’t isa, pero sa pagkakataong ito, maraming bagay na siya na lang mismo ang magdedesisyon.

Ani Glaiza, “Yes, every time na yung ibang tao ay nagsasabi na nowhere pa rin ako dun, nag-decide talaga ako na to jump into that chapter or adventure, which I think na magaan sa loob ko.

“Kasi, kung ginawa ko siya na mali yung timing, yung may something wrong, parang hindi ako at peace.

“Ngayon at peace ako, e. At peace yung mga taong nasa paligid ko, and siyempre it’s also a test of faith, e.

Continue reading below ↓

“Kung ano ang magagawa ni Lord para sa iyo, kasi, di ba, Siya naman talaga yung magbibigay sa iyo ng guidance.

“Siya yung magbibigay sa iyo ng discernment, ng wisdom, na minsan hindi natin alam kung tama ba itong desisyon ko, ano ang gagawin ko.

“Ipinagdasal ko naman ‘yan noon pa, at ngayon.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro in studying on UK: "I think this is a very personal and precious project to me, and parang sa akin... hindi ko ma-describe, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results