Paolo Contis says John Lloyd Cruz can afford to take a leave from showbiz

by Bernie V. Franco
Jul 3, 2019
Paolo Contis (left) on former Tabing Ilog co-star John Lloyd Cruz: "Masaya naman siya, I assume. Nakikita naman natin sa social media yung mga sightings niya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo from Instagram

Sa 31 years ni Paolo Contis sa showbiz, may mga pagkakataon daw na napagod siya at binalak iwan ang career.

Pero nangingibabaw pa rin daw ang pagmamahal niya sa trabaho.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kung hindi ba siya naiinggit kay John Lloyd Cruz, na naka-indefinite leave sa showbiz mula pa noong October 2017.

Sina Paolo at John Lloyd ay dating magkasama sa ABS-CBN, talents ng Star Magic, at co-stars sa defunct youth-oriented show na Tabing Ilog.

Pagkatapos ng 10 taon sa ABS-CBN, lumipat si Paolo sa GMA-7 noong 2004.

“I would assume ito yung sinasabi nating burn out,” paliwanag ni Paolo nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Family History nitong July 2, Martes.

Ayon sa 35-year-old Kapuso actor, maraming isinakripisyo si John Lloyd kapalit ng kasikatang natamo nito.

“Nakikita naman natin si John Lloyd na grabe yung stardom.

“I’m sure marami siyang kailangang isakripisyo for the stardom.

Continue reading below ↓

"I’m sure... time with family, personal time, in terms of relationships or whatever, I’m sure.

"And then, na-burn out...”

Natutuwa raw si Paolo na nagkaroon ng paninindigan si John Lloyd na magpahinga sa gitna ng kanyang kasikatan.

“Good for him. I think nung na-burn out siya, he had that stand na, ‘Alis ako.’

"Kaya niyang gawin yun, maybe because nakapag-ipon siya nang maayos.

“Kasi maraming tao kahit na burned out, hindi makapagpahinga kasi kailangan pa, e.

“I’m happy for him na he was smart enough to… I’m sure nakapag-save para ganyan siya ngayon.

“Yun ang tingin ko sa kanya.”

Iyon daw ang patnubay ni Paolo sa sarili para maiwasang ma-burn out sa trabaho.

“I don’t do things I don’t like.

“Yung burn out minsan, may pagod, pero not as burned out as him, I would assume.”

Continue reading below ↓

PAOLO ON JOHN LLOYD’S BEHAVIOR WHEN TAKING A BREAK

Sabi pa ni Paolo sa pagiging pribado ni John Lloyd ngayon: “I’m happy for him.

"Marami na ngayon nagsasabi na he’s living a simple life.

“I think if he comes back, for sure he would be the same actor.

Continue reading below ↓

“Yun yung sa akin na ginawa ko, alam ko yung stardom na hindi ko makukuha na katulad ng sa kanila, pero at least I’m happy with what I’m doing.”

May komunikasyon pa ba siya kay John Lloyd?

“Wala, e. wala.

“Ganun naman yun, pag nag-hibernate… maraming beses, hindi lang ganito katagal, pero ilang beses niyang ginawa iyan, hindi mo [maiistorbo].

“He will find you. Kapag gusto ka niyang makita, he will find you.

“Masaya naman siya, I assume. Nakikita naman natin sa social media yung mga sightings niya.

“He looks happy.”

Inusisa rin namin si Paolo sa balitang posibleng bumalik si John Lloyd sa pag-arte.

Sa katunayan, may mga usap-usapang may proyekto silang ginagawa ngayon ni Bea Alonzo.

Ayon kay Paolo, “Good good for him. Hindi naman sa ano… kailangan ng industriya si John Lloyd.

Continue reading below ↓

“Magaling si John Lloyd kaya kita mo, kahit ngayon, kahit sabihin mong grabe yung bigote, haggard, pero nag-aabang kayo, di ba?

“Halos two years na siyang wala, pero konting sighting lang natataranta lahat.

“At saka tingin ko naman, na-inlab ang tao kay John Lloyd more than the hitsura—it’s the acting.

“Yung truth on how he acts…

“Sa tingin ko, kahit anong balbas pa niya iyan, papanoorin ninyo pa rin 'yan for sure.”

Samantala, kasama ni Paolo sa pelikulang Family History sina Michael V., Dawn Zulueta, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, John Estrada, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo, at Mikoy Morales.

Ito ay magbubukas sa mga sinehan sa July 24.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) on former Tabing Ilog co-star John Lloyd Cruz: "Masaya naman siya, I assume. Nakikita naman natin sa social media yung mga sightings niya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results