Casting coup: John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Piolo Pascual in one project

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2019
Kapamilya stars John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, and Piolo Pascual join forces for a project... is this for a movie or a teleserye?
PHOTO/S: Instagram

Casting coup na matatawag ang pagsama-sama ng tatlo sa pinakamalaking pangalan sa industriya—sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at Piolo Pascual.

Ngayong araw, July 4, opisyal nang inanunsiyo ng isang shawarma brand ang pagsasama ng tatlong sikat na Kapamilya stars bilang endorsers nila.

Ginanap ang contract signing sa Luxent Hotel, sa Quezon City, kagabi, July 3.

Continue reading below ↓

Kagabi rin ay nag-post sa Instagram sina Bea at John Lloyd tungkol dito.

Continue reading below ↓

Ang unang endorser ng nasabing brand ay si Piolo.

Nitong nakaraang Abril, winelcome ng aktor si John Lloyd bilang bagong dagdag na endorser.

Naghayag din noon si Bea ng kasiyahan sa pagbabalik ni John Lloyd sa industriya sa pamamagitan ng nasabing endorsement.

Ngayon, masasabing natupad na ang pangarap ng fans nina John Lloyd at Bea na magkaroon ng reunion project ang dalawa.

Nitong nakaraang Mayo, nagkasama sina Bea at John Lloyd sa El Nido, Palawan para sa isang "secret project."

Hindi malinaw kung ang "secret project" na ito ay may kinalaman sa pagsasama nila sa isang endorsement.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, and Piolo Pascual join forces for a project... is this for a movie or a teleserye?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results