Sarah Geronimo refuses to answer questions about boyfriend Matteo Guidicelli

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2019
Sarah Geronimo on aspiring singers: "Kaabang-abang talaga at nakaka-surprise until now po, ‘no, kung gaano ka-talented ang Pilipino, kabatang Pinoy."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi nagpaunlak ng tanong si Sarah Geronimo tungkol sa boyfriend na si Matteo Guidicelli sa set visit ng The Voice Kids (Season 4) kagabi, July 3.

“Sorry po” lamang ang sinabi ni Sarah dahil kailangan na raw siya ng produksiyon para sa ilan pang promo at teaser shoots sa magbabalik na reality singing search ng ABS-CBN.

Halos apat na oras naghintay ang media upang makapanayam ang Popstar Princess, ngunit hindi nito pinagbigyan ang mga karagdagang katanungan maliban tungkol sa palabas.

Matatandaang todo ang ipinakitang suporta ni Sarah sa scout ranger training ni Matteo sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.

Noong graduation naman ni Matteo noong June 27, personal itong dinaluhan ni Sarah kung saan kinantahan pa nga niya ang nobyo pagkatapos ng graduation ceremony.

THE VOICE KIDS (SEASON 4)

Samantala, inaasahang sisigla na namang muli ang viewing habits ng mga Pinoy sa pagbabalik ng reality singing competion na The Voice Kids.

Ito ang hahalili sa babakantehing slot ng Idol Philippines.

Continue reading below ↓

Saad ni Sarah, “Amazing talents lang talaga.

"Kaabang-abang talaga at nakaka-surprise until now po, ‘no, kung gaano ka-talented ang Pilipino, kabatang Pinoy.”

Masaya raw siyang karamihan sa mga produkto ng show ay nagkakapangalan na sa industriya.

Sabi ni Sarah, “Of course, we’re so proud of all of them.

“Each one of them merong kanya-kanyang mark na sa industriyang ito, like Morissette [Amon], Darren [Espanto].”

Ang iba pa sa mga sumikat mula sa The Voice ay sina Jason Dy, JK Labajo, Kyle Echarri, Lyca Gairanod, Sam Shoaf, Esang de Toress, at Elha Nympha.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo on aspiring singers: "Kaabang-abang talaga at nakaka-surprise until now po, ‘no, kung gaano ka-talented ang Pilipino, kabatang Pinoy."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results