Lea Salonga reacts to speculations that she replaced Kris Aquino as endorser

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2019
Lea Salonga (left) on endorsing a brand formerly endorsed by Kris Aquino: "I’m not replacing anybody.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sobra-sobra ang blessings ngayon sa buhay ng Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga.

Bukod sa kabi-kabilang concert tours at coaching stint sa The Voice Kids (Season 4) ng ABS-CBN, may bago rin siyang endorsement.

Ngunit iniintriga ng ilang netizens ang kanyang bagong endorsement dahil, diumano, pinalitan niya si Kris Aquino bilang endorser.

Si Kris kasi ang dating endorser ng isang detergent brand na iniendorso ngayon ni Lea.

Nagtataka naman si Lea kung bakit kailangan pa silang intrigahin.

Komento niya, “Why? I don’t understand why because… I’m doing a different variety of Ariel.

“They’re introducing a brand new variety, a brand new variant, a brand new thing."

Diin pa ni Lea, “It’s not a replacement, it’s an addition.

“So, if anything, I think fans of the commercial, of the product should be glad, ‘Oh, here’s another option for you to maybe try or hopefully enjoy also.'

Continue reading below ↓

“I’m an also... I’m not replacing anybody.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng The Voice Kids (Season 4) kahapon, July 3.

NETIZEN ASKS KRIS AQUINO

Nitong nakaraang Martes, July 2, may isang netizen na nagtanong kay Kris kung binitawan na ba siya as endorser ng nasabing detergent brand.

Continue reading below ↓

Hindi ito diretsong sinagot ni Kris.

Bagkus, malaki raw ang pasasalamat niya sa kumpanyang nagmamay-ari ng produkto dahil sa 14 taon nilang samahan.

May mga bago rin daw siyang ie-endorse na hindi pa raw niya puwedeng pangalanan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga (left) on endorsing a brand formerly endorsed by Kris Aquino: "I’m not replacing anybody.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results