Gerald Anderson shrugs off rumored involvement in JoshLia breakup

by Melba R. Llanera
Jul 5, 2019
Gerald Anderson on being dragged into Joshua Garcia-Julia Barretto breakup: "Sa dami kong ginagawa sa buhay, wala tayong oras, parang wala na tayong oras sa ganyang mga issues."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi na nagulat si Gerald Anderson na idinadawit ang pangalan niya sa breakup nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nagkatambal sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, at ito ang pinagbasehan ng iba kung kaya't inuugnay ang aktor sa paghihiwalay nina Julia at Joshua.

"Siyempre ganun talaga, e, parang hindi kayo sanay diyan,” sabi ni Gerald sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Skechers Performance Run 2019, na ginanap sa Botan Black, Bonifacio Global City, kahapon, July 4.

“Sanay na ako sa tagal ko na sa showbiz, ganun talaga.

“But like I've said kanina, just stay positive.

“Sa dami kong ginagawa sa buhay, wala tayong oras, parang wala na tayong oras sa ganyang mga issues.

“Just keep moving forward. Go lang nang go.”

Nakapag-usap na ba sila nina Julia at Joshua tungkol dito?

Ayon kay Gerald, “No, siguro bigyan na lang natin sila ng privacy.

Continue reading below ↓

“Mahirap yun, kung anuman ang pinagdadaanan nila.”

BEA ALONZO-JOHN LLOYD CRUZ REUNION

Hiningan din ng pahayag si Gerald sa “reunion” ng girlfriend niyang si Bea Alonzo at perennial leading man nitong si John Lloyd Cruz.

Unang namataan sina Bea at John Lloyd sa El Nido, Palawan.

Kalaunan, nalaman na para sa isang endorsement ang pagsasamang muli ng dalawa kasama si Piolo Pascual.

Ayon kay Gerald, "Matagal ko nang alam yun, e, yun yung ginawa nila, yung brand na ini-endorse nila.

“Exciting, ‘no, nami-miss sila ng maraming tao.

“Sabi ko nga, ‘Dapat nga gumawa na kayo ng pelikula. Dun kayo nakilala talaga, yung partnership ninyo, yung love team ninyo, maraming nakaka-miss sa inyo.’

“Sobrang refreshing, di ba?”

Dagdag pa niya, “Si John Lloyd, matagal nawala.

“Sobrang na-miss natin siya sa mga movies niya, sa mga ginagawa niya.

“It's good to see them together, nandun pa si Piolo, baka puwedeng gumawa sila ng movie.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa Kapamilya actor, fan siya ng tambalang Bea-John Lloyd.

"Oo naman, yun ang unang movie na pinanood ko, Now That I Have You [2004].

“Nagbayad pa kami sa sinehan… 14 years old, e, crush ko siya nun, e,” pagtukoy ni Gerald kay Bea.

“Hindi ko sila kilala, hindi ko siya kilala, napanood ko lang sa TV.

“‘Tapos sinabi ni Geray, ‘Tara, may movie sila na pinapalabas sa sine.’

“Sabi ko, ‘Talaga? May movie sila?’

“Hindi ko alam na ganun kalaking artista sila, takbo kami, nag-tricycle pa kami papunta sa mall.

“Kumain kami ng Jollibee kasi nanalo kami sa basketball.

“Yun ang unang pelikula na napanood ko na Tagalog.”

Ang "Geray" na tinutukoy ni Gerald ay ang kanyang kaibigan mula sa General Santos City.

THIRD ANNIVERSARY

Sa pagiging hectic ng schedule pareho nina Gerald at Bea, hindi kaya maging isyu sa kanila ang kakulangan ng oras para sa isa't isa?

Continue reading below ↓

Saad ng aktor, "Pag gusto mo, laging may paraan, di ba?

“Yun din, sacrifice, time management, understanding…

“Siyempre napakahirap ng schedule, ginagawa namin ang best namin.

“That's all you can ask for, that's all you can do, gawin mo yung best mo at maging positive lang.”

Ngayong July ay magse-celebrate sina Gerald at Bea ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Paano nila ito ise-celebrate?

"Tingnan natin, we'll see,” pakli ng Kapamilya actor.

“Grabe, sobrang hectic talaga ng schedule namin.

“Siya, galing siya sa abroad, ilang beses siyang nag-abroad this year. Hanap tayo ng oras.”

Paano niya ilalarawan ang tatlong taon nila bilang magkarelasyon?

Ayon kay Gerald, "Exciting, maraming lessons, ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa relasyon.

“Very matured siya pagdating sa ganun, alam niya ang gusto niya.”

Dagdag niya, “Teamwork.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on being dragged into Joshua Garcia-Julia Barretto breakup: "Sa dami kong ginagawa sa buhay, wala tayong oras, parang wala na tayong oras sa ganyang mga issues."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results