Beauty Gonzalez asked about showbiz comeback of John Lloyd Cruz, Ellen Adarna

by Bernie V. Franco
Jul 5, 2019
At the presscon of Kadenang Ginto, Beauty Gonzalez was asked by reporters about the possibility of John Lloyd Cruz and Ellen Adarna making a showbiz comeback.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Tinanong si Beauty Gonzalez kung may balak na bang magbalik-showbiz ang mga kaibigan niyang sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Parehong naka-leave of absence sa showbiz ang dalawa mula nang mapabalita ang kanilang relasyon noong 2017.

Nagsimula ang usapan tungkol dito nang banggitin ni Beauty na si Ellen ang kanyang peg pagdating sa pangangatawan at sa showbiz career.

“She’s my peg, actually. My reason na Bench na walk, na those abs, na ngayon, e, flabs na, siya yung ano ko,” pahayag ng Kapamilya actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng Kadenang Ginto nitong July 5, Biyernes.

Ang tinutukoy ni Beauty ay ang pagrampa niya sa Bench Under The Stars fashion show noong 2017.

Patuloy niya, “I’m thankful for Ellen kasi she is very supportive in my career right now. Sobrang siya ang nag-influence sa akin.”

Hindi ba niya kinukumbinsi si Ellen na bumalik sa showbiz?

Continue reading below ↓

Sagot ni Beauty, “She’s happy right now. Wherever she’s happy, I’m there.”

Huling napanood si Ellen sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, kung saan nakasama rin niya si John Lloyd.

Naka-focus ngayon si Ellen sa kanyang private life, kasama si John Lloyd at ang isang-taong-gulang na anak nilang si Elias Modesto.

Wala bang nabanggit sa kanya si Ellen na magbabalik-showbiz ito?

“No,” sagot ni Beauty.

Ang huling pagkikita raw nila ay sa birthday celebration si Beauty noong Mayo.

Ginanap ang intimate celebration sa isang private resort kung saan magkakasama sina John Lloyd, Ellen, at anak nilang si Elias; at si Beauty, mister niyang si Norman Crisologo, at anak nilang si Olivia.

Hindi ba niya naramdamang gustong bumalik sa showbiz ni Ellen?

“No. It was my birthday, e... I don’t wanna talk about them. Talk about me na lang!” natatawa niyang sagot.

Continue reading below ↓

BEAUTY ON JOHN LLOYD’S COMEBACK

Tinanong din ang Kadenang Ginto actress tungkol sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

“Of course, I’m happy. I’m a fan of John Lloyd.

“If he’s back, I’ll be one of the girls na, ‘Puwede ako na lang?’ Ganon!” biro niya, na hiniram ang linya mula sa pelikulang One More Chance (2007), na pinagbidahan nina John Lloyd at Bea Alonzo.

Marami ang nagkokomento tungkol sa bagong hitsura ni John Lloyd—mahaba ang buhok at may balbas—na malayo sa dati nitong matinee-idol look.

Pagtatanggol naman ni Beauty sa aktor, “Change is good.

“If you look the same all the time, it’s boring. So, change is good.”

May masasabi ba siya sa mga hindi pumapabor sa hitsura ni John Lloyd?

Aniya, “Okay lang ‘yan.

“Kasi alam mo naman, para iba naman ang makita ng tao, hindi lang yung parating same-same.”

Continue reading below ↓

Samantala, hindi nakarating si Beauty nang ipagdiwang ang first birthday ng anak nina Ellen at John Lloyd kamakailan.

Umiwas din ang aktres na pag-usapan ang nasabing event.

“Happy birthday! I wasn’t there, so I can’t say anything,” ani Beauty.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At the presscon of Kadenang Ginto, Beauty Gonzalez was asked by reporters about the possibility of John Lloyd Cruz and Ellen Adarna making a showbiz comeback.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results