Jaclyn Jose, toying with idea of directing

by Ruel J. Mendoza
Jul 6, 2019
Jaclyn Jose says she has worked with a lot of directors already in her 35 years in showbiz and thinks she'll do well as director.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinag-iisipan na rin daw ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang pasukin ang pagdidirek.

Sa tagal na raw kasi niya bilang artista, marami siyang natutunan mula sa mga director na nakatrabaho niya mula noong madiskubre siya in 1984 sa pelikulang Chikas.

"It's been 35 years na pala na artista tayo. Thankful ako sa industriyang ito kasi sa edad ko ngayon ay nabibigyan pa tayo ng magagandang roles.”

Nag-celebrate ng kanyang 55th birthday si Jaclyn nung March 16 ng taong ito.

"Iba't ibang roles na rin ang nagawa ko, pero nandoon pa rin ang drive mo to get more meaty roles on TV and the movies.

"Ang importante rin sa akin ay yung may ma-impart ako sa mga bagong artista ngayon ng mga kaalaman mo sa showbiz.

"Siguro doon na rin pumapasok sa isipan ko na, ‘Bakit nga ba hindi ko subukan na ang magdirek?’

“It's something na matagal ko na ring pinag-aaralan na gawin and a lot of my friends na rin ang nagsasabi na subukan ko na dahil sa naging experiences ko sa industriyang ito," pahayag pa ni Jaclyn sa media launch ng GMA primetime series na The Better Woman.

Continue reading below ↓

TOP DIRECTORS JACLYN HAS WORKED WITH

Bilang aktres nga naman, nakatrabaho ni Jaclyn ang halos lahat ng mga mahuhusay na direktor na sumakabilang-buhay na, tulad nina Lino Brocka sa White Slavery (1985) at Macho Dancer (1988); Ishmael Bernal sa Working Girls 2 (1987); Marilou Diaz-Abaya sa May Nagmamahal Sa 'Yo (1996); Maryo J. delos Reyes sa Naglalayag (2004); Danny Zialcita sa Paano Ang Ngayon Kung Wala Ang Kahapon (1995); Celso Ad Castillo sa Bahay Ng Lagim (2013); Leroy Salvador sa Alabok Sa Ulap (1987) at Jack & Jill (1987); Don Escudero sa Multo in the City (1994); Tata Esteban sa Flesh Avenue (1986); Behn Cervantes sa Masikip, Masakit, Mahapdi (1998); Gil Portes sa Mulanay (1996); Emmanuel Borlaza sa Dyesebel (1996); at Eddie Garcia sa Magdusa Ka (1986) at Imortal (1989).

Ang ibang nakatrabaho pa ni Jaclyn ay sina Chito Roño sa Private Show (1985); Olongapo: The Great American Dream (1987) at Itanong Mo Sa Buwan (1988); Carlitos Siguion-Reyna sa Misis Mo, Misis Ko (1988); William Pascual sa Takaw-Tukso (1986); Jose Javier Reyes sa Minsan May Isang Puso (2001); Jeffrey Jeturian sa Tuhog (2001); Lupita Kashiwahara sa Hati Tayo Sa Magdamag (1988); Peque Gallaga and Lore Reyes sa Puso Ng Pasko (1998); Romy Suzara sa Cedie (1996); Mel Chionglo sa Lahar (1996) at Loretta (1994); Armando Lao sa Biyaheng Lupa (2009); Nick Deocampo sa Pedrong Palad (2000) at Mother Ignacia (1998); Carlo Caparas sa Bubbles: Ativan Queen (1988); Yam Laranas sa The Road (2011); Raymond Red sa Kamada (1997); Adolfo Alix Jr. sa Donsol (2006), Brillante Mendoza sa Masahista (2005), Serbis (2008), Tirador (2007), at Ma'Rosa (2016); at Joel Lamangan sa The Flor Contemplacion Story (1995), Deathrow (2000), Aishite Imasu 1941 (2004), Pacquiao: The Movie (2006), Mano Po 5: Gua Ai Di (2006), at Felix Manalo (2015).

Continue reading below ↓

JACLYN SUGGESTS TO DIRECTORS

Inaamin din ni Jaclyn na paminsan-minsan ay nagsa-suggest siya sa direktor nila sa teleserye sa mga eksenang kukunan.

"Minsan nakikialam na rin ako sa mga isu-shoot na eksena sa teleserye.

"Tulad dito sa The Better Woman, nagsa-suggest ako sa direktor namin na sana ganito na lang kasi parang hindi pa nagagawa.

"Kahit nga rin sa script, may sina-suggest ako na ganito na lang ang sabihin ko kasi parang mas effective.

"Mga gano'ng pangingialam. Natutuwa naman ako na minsan sinusunod nila ang suggestions ko," ngiti pa niya.

DIRECTORS WHO CAN TEACH JACLYN

Kapag nakapagdesiyon na raw si Jaclyn na i-pursue ang pagdidirek, puwede naman daw siyang humingi ng tulong sa mga kaibigan niyang direktor, lalo sa mga batang indie directors na nakatrabaho na niya.

"Marami na akong nakatrabahong mga batang direktor ngayon ng mga indie films. Siguro naman kapag humiling ako na turuan ako, hindi nila ako tatanggihan.

Continue reading below ↓

"Puwede ko rin namang hingan ng tulong si Direk Gina Alajar. Magaling na si Gina na magdirek ng teleserye, di ba? Baka one of these days tatawagan ko siya at pag-usapan namin ang gusto kong sunod na gagawin sa career ko.

"Nandiyan rin naman sina Direk Chito Roño, Direk Joel Lamangan, and Direk Brillante Mendoza na puwede kong hingan ng advise.

“Sigurado naman hindi nila ipagdadamot ang pagturo sa akin ng malawak na kaalamanan nila sa pagdidirek," pagtapos pa ni Jaclyn Jose.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose says she has worked with a lot of directors already in her 35 years in showbiz and thinks she'll do well as director.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results