Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Janella Salvador speaks up about real score with Markus Paterson

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2019
Janella Salvador speaks up about being spotted with Markus Paterson. Are they now a couple?
PHOTO/S: Noel Orsal / @markus on Instagram

Makahulugan ang sagot ni Janella Salvador nang matanong kung ano ang real score sa pagitan nila ng kapwa Kapamilya star na si Markus Paterson.

March ng kasalukuyang taon nag-umpisang maugnay ang dalawa.

Lalong lumakas ang hinalang may namamagitan kina Janella at Markus nang mag-post sila sa Instagram ng kani-kanilang larawang kuha sa Japan noong May.

Wala silang larawang magkasama, pero magkapareho ang lugar na kanilang pinuntahan at ang timing ng kanilang posts.

Sa solo picture na ipinost ni Markus, nakunan sa reflection ng salamin sa train ang isang babae na kumuha ng picture niya.

Mapapansin na ang babaeng nasa reflection ay kahawig ni Janella.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

May ilang netizens naman ang nag-tweet tungkol sa sightings sa dalawa.

May nag-tweet na nakita raw sina Janella at Markus sa simbahan, habang ang iba naman ay nakitang magkasama raw ang dalawa sa mall at magka-holding hands pa.

Continue reading below ↓

JANELLA ON REAL SCORE WITH MARKUS

Sa book-signing ng I Love You Since 1892 series, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang members of the press si Janella noong July 6, Sabado.

Tanong ng PEP.ph kay Janella: ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Markus?

“Well, ang masasabi ko lang, what you see is what you get,” nakangiting sagot ni Janella.

“Yun na, what you see is what you get.

“Kasi, based on my experience, I don’t wanna speak about my personal [life] na."

Tila kumpirmasyon na rin ito ni Janella na silang dalawa nga ni Markus ang nakikitang magkasama ng netizens.

Ang huling napaulat na nakarelasyon ni Janella ay ang former leading man niyang si Elmo Magalona.

Pinag-usapan noong October 2018 ang rebelasyon ni Janella na diumano’y pananakit sa kanya ni Elmo nang dalawang beses at nauwi sa kanilang paghihiwalay.

Samantala, abala ngayon si Janella sa upcoming teleserye sa ABS-CBN, ang The Killer Bride, na pagbibidahan din nina Maja Salvador at Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

May upcoming horror movie rin si Janella kasama si Maricel Soriano.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador speaks up about being spotted with Markus Paterson. Are they now a couple?
PHOTO/S: Noel Orsal / @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results